Chloe's Inbox - It's not the pain, it's the one who caused it
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – It’s not the pain, it’s the one who caused it

January 5, 2020

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - IT'S NOT THE PAIN IT'S THE PERSON WHO CAUSED IT

    DJ Chloe,

    Here I am again. I think fourth time ko na itong letter na ito. The last one ay ‘yung guy na kasama ko sa trabaho na malaki ang age difference namin. Eto na nga po, naging kami na. Nakakahiya man pero sa edad ko na ito na 42 ay ako na ata ang nagpakita ng motibo sa kanya. Siguro, no choice na si guy kasi nandito lang kami sa isang lugar kung saan kamo nagwork abroad. Pero alam mo ba, DJ Chloe, na nagstart na naman ang stress ko since naging kami? First, medyo hirap ako mag-adjust sa ugali niya. Consider ko na lang na bata pa nga siguro. By the way, he’s 31. And second, unti-unti ko nalalaman at nararamdaman na wala naman akong nakukuha kahit konting effort sa kanya. Palaging ako ang nagbibigay. Palaging ako ang gumagawa ng paraan. Kahit malinaw na malinaw na sa akin na hindi niya nga siguro ako mahal, bakit nagtitiis pa rin ako? To the point na alam ko naman na hindi ako talo kasi until now walang nangyayari sa amin. DJ Chloe, last night, new year’s eve, magkasama kami sa party. Lasing na siya at iyak ng iyak sa kaibigan ko at sa akin. Ask namin siya anong problema? Pero sorry lang siya ng sorry. And we heard nga some gossips sa mga kasamahan namin at nahahalata ko din naman na parang bakla siya. Marami pa pong scenario na malinaw na hindi niya ako mahal. May nagsabi sa’kin na kaibigan niya na gusting-gusto ako ng guy kaso natatakot daw. Sabi ko, saan natatakot? Ano ang kinatatakot? By the way, pauwi na po ako sa February. Pero everyday malungkot ako. Kasi iniisip ko, saan ako nakalugar sa taong ito? At ano ang totoo sa kanya? Araw-araw po akong nasstress at tinatanong ang sarili kung bakit hindi ako makaayaw sa taong wala namn akong nararamdaman na pagmamahal at pagmamalasakit sa’kin. Salamat ulit. I will drop by sa office mo pag-uwi ko.

    By the way, one time I told him we can share a room since may privilege kami sa company kasi magkarelasyon nga kami. Ang sagot niya sa’kin, hindi ako nakakatulog ng may katabi.

    Miss A

    Hi Miss A!!

    Hahahaha! Natawa ako sa last part ng letter mo. It’s like literally telling him he can do anything to you tapos biglang basag ka sa sagot, hahahaha!

    Why not confront him with the issues you’ve heard about him? Para once and for all, matahimik ka na rin and you’d know what to do. Ano ba, iaalay mo ba ang buhay mo para baguhin siya kung sakaling tama ang hinala niyo? Or magle-let go ka na lang para maging masaya kayo pareho? Confront the issues because if you won’t you’ll just keep wondering why he is like that, or if he is really what you guys think of him as he is. It’s not fair naman to him na pinag-iisipan niyo siya ng ganyan. I can’t tell you what to do with your feelings eh. No matter what I tell you, hanggang gusto mong magsakripisyo d’yan sa taong ‘yan dahil mahal mo, deadma lahat ng sasabihin sa’yo ng ibang tao. May kaibigan nga ako eh, gusto ko ng iuntog ang ulo o kaya ipatawas. Parang ikaw din! Hahaha! Basta masaya ka, go lang, ‘pag napagod ka na, aayaw ka din.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.