CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – It’s not what you say, it’s how you say it
November 4, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Isa po ako sa mga listeners mo mula nang mapunta ako dito sa Maynila. My name is Nanny, isa po akong call center agent sa loob ng pitong taon. Gusto ko lang po maka pagseek ng advice. Kasi ganito po ang sitwasyon ko ngayon, sa tinagal-tagal ko po sa kompanya namin aware naman po ako na sa trabaho namin madami ang changes na pwedeng mangyari anytime. Sa ngayon po nalipat kami sa ibang account gawa nga na nagsara ang previous account na hina-handle naming. Nalipat din po kami sa ibang team at ibang supervisor, which is okay lang po sana. Kaso ngayon po ay nasa compressed work hours po kami, ‘yung 4×11.4 na araw na pasok, tatlong araw na pahinga. Dahil nga po mahaba ang work hours naming, of course, umaabot na po kami sa point na drained na talaga after 11 hours. Kaso nga lang instead na umuwi na kami nire-require pa kami ng aming supervisor na magstay for another hour without pay for post-shift huddle daw. Normal po ang huddle kaya kinausap ko po ang supervisor ko– bakit one hour? Dapat po 15-30 minutes, okay lang po sana. Nagcomplain po ako sa higher management namin kasi po sa one hour pre at post shift huddle na ‘di naman bayad, but up until now wala po silang aksyon. Nagrequest na din po ako na if pwede ilipat na lang ako sa ibang team since hindi naman lahat ng supervisor ganun maghuddle kaso ‘di din sila nagreresponse. Kaya po siguro madami na umalis dahil po sa ganung patakaran. Since sa situation ko po ‘di po pwede ang agarang pag-alis kasi ako ang bread winner sa aming pamilya kaya ‘di ako pwede mawalan ng trabaho. Nais ko lang po humingi ng payo sa’yo at sa taga-pakinig niyo po na may alam kung ano po ang tamang proseso para po masolusyunan ang probema namin. Thanks, DJ Chloe. Have a good day.
Hi Nanny,
I seriously don’t have the slightest idea how things work for you in a call center. But I’m sure maraming makakabasa ng letter mo that are also in the same field as yours. Sa tingin ko lang, 11 hours is really draining and the fact na you’re still asked to stay for another hour, medyo hindi na nga talaga makatarungan. You said marami nang umaalis, so meaning, hindi naso-solusyunan. So it’s a choice you only have to make. Stay or look for something else. Seven (7) years na ang experience mo sa industriyang ‘yan, magiging valuable ka na sa ibang kumpanya because of your experience. So while hindi ka p’wedeng umalis because you’re a bread-winner, start looking for a job while still working there. Lipat ka lang kapag may sure ka ng pupuntahan. And I do hope sana may ipon ka, you need that once mag start ka na sa iba. That’s the only thing I can say. You can go to labor, but I’m sure you don’t want to burn bridges. And again, have you talked personally to HR manager?
-
COMMENTS















