Chloe's Inbox - Be the person she needs now
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Be the person she needs now

December 16, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - BE THE PERSON THAT SHE NEEDS NOW

    Hi DJ Chloe,

    Isa ako sa mga humahanga sa’yo lalo pagdating sa pag-aadvice. Hiwalay kami ng asawa ko for almost 12 years na. DJ Chloe, may nakarelasyon akong babae, nagkaanak kami ng isa. Umalis siya puntang abroad noong 2015. Apat na buwan pa lang ang bata nang iniwan niya sa akin. Nagpadala naman siya ng pera sa amin. 6,000 a month, subalit hindi po sapat ang padala niya. Sinabi ko sa kanya na kulang ang padala niya. Sabi niya ‘yan lang daw kaya niya. Kaya naisipan kong magtrabaho para hindi kami magutom ng anak ko. Kumuha ako ng mag-aalag sa bata para makapagtrabaho ako. Ang bata ay dinadala sa nag-aalaga sa kanilang bahay. Minsan ‘pag mahaba ang oras ko sa bahay kinukuha ko ang bata . DJ Chloe, mabait itong nag-alaga sa anak ko. Kadalasan ‘pag kinulang ang kakailanganin namin sa bahay o sa bata siya mismo ang bumibili dahil hindi na rin nagpadala ang ina ng anak ko. DJ Chloe, nagkarelasyon kaming dalawa ng yaya ng anak ko hanggang sa ngayon. Ang problema ay may kinakasama rin siya at ang sabi niya ay hindi daw niya ito mahal. Sa akin daw niya raramdaman ang totoong pagmamahal. Napilitan lang daw siyang pakisamahan ‘yun dahil sa mga anak niyang nag-aaral pa. Malaki daw ang naitulong nitong kinakasama niya sa pag-aaral ng kanyang dalawang anak. DJ Chloe, please give me an advice about this. Dapat ko bang pahabain pa ang relasyon namin o itigil ko na. Tawagin mo na lang akong Sixtygunner. Salamat po.

    Hi Sixtygunner!

    If you take her away from the kinakasama, you automatically assume responsibility for her and her two (2) kids. Kaya mo ba? I’m sure sapat lang ang kinikita mo para sa inyo ng anak mo. Kinukulang ka pa nga at tinutulungan ka pa niya, ‘di ba? Kung mahal mo talaga siya, magtutulungan kayo para sa pamilyang gusto niyong buuhin at itama ang mga buhay niyo. But you have to think about it a hundred times, may dalawa siyang anak na pinag-aaral niya sa tulong ng kinakasama niya. Do you think it’s also fair na sa tulong ng kinakasama niya eh napag-aaral niya mga anak niya, eh fair ba na nakikipagrelasyon siya sa’yo? Kung maayos naman niyang naalagaan ang anak mo, sana ‘di mo na lang siya pinakialaman at nagfocus ka na lang sa pagpapaasenso para sa anak mo. Mas kailangan mong magtrabaho ng husto sa ngayon para sa anak mo, ‘wag mo na lang sana munang komplikahin ang buhay mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.