Chloe's Inbox - Prayer can change things
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Prayer can change things

October 23, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - PRAYERS CAN CHANGE YOU

    Dear DJ Chloe Good day to you!

    Please hide again my identity. Lagi ko po inaabangan ‘yung Chloe’s Inbox upang pumulot ng aral sa inyo at sa mga listeners. Sumulat na po ako before sa inyo and here I am again. Sana mabigyan niyo ulit ng chance. Hindi ko po alam ang gagawin ko at wala po ako lakas ng loob na mag-open up sa malapit na kakilala. Dahil sinubukan ko po mag-open up sa kakilala kaso nasabihan pa ako na masyadong madrama. Nadala na po ako dahil sa panahon na need ako ng kaibigan ko nandyan ako. Nu’ng ako na, wala na. I made the decision to quit my job. This is in connection with my health condition. Until now I am not yet okay. My body is still in pain. It gives me too much stress kasi halos everyday na sumasakit, pinapaalala na there’s something wrong with me or pakiramdam ko lumalala ako. Gusto ko po bumalik sa normal. At nagtatanong kung magiging normal pa ba pakiramdam ko. Tuluyan na po ako umuwi sa pamilya ko. Pero kahit nasa bahay ako pakiramdam ko ‘di pa din po ako panatag o stressed pa din ako. Sobrang bigat po ng pakiramdam ko.

    Another problem, I am dealing is nahihirapan po ako pakisamahan kapatid kong babae. Madalas po kaming nagkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan. Pangalawa po siya at panganay ako. Nauna po siyang mag-asawa dahil umuwi siya sa amin ng buntis na. Hanggang ngayon po kasama pa din namin siya sa bahay dahil ‘di pa nila kayang bumukod ng asawa niya. Kaya nga lang po dahil sa ugali niya kaya marahil ‘di kami magkasundo. Na kahit ang nanay ko po ay ‘di na din natutuwa. Wala siya o silang kusa mag-asawa. ‘Yung kapatid ko ‘di man lang kausapin asawa niyang lalaki na mag-abot sila kahit papaano. Parang wala siya asawa kung umasta. ‘Di magkusa mag-abot. Dumadaing po sa akin ang nanay ko regarding sa ugali ng kapatid ko. Kinakatwiran ko po sa nanay ko na dapat direkta niya sabihin sa kapatid ko kaysa sa akin at ‘wag niya kimkimin. Dapat daw po magkusa matuto. Sabi ko po paano matuto kung ‘di kayo magsasalita. Tuwing pinagsasabihan po siya na umayos o halimbawa may mali siya at pinagsasabihan hindi niya po matanggap ang mali niya. Siya pa ang mas galit at matapang. Tapos ‘di kami kikibuin. Para po kasing wala sa loob niya ang pinasok niya na pag-aasawa. Sinasabihan niya din po na masyado akong pakeelamera dahil madalas ko siya sawayin. Ang nanay ko po nagtitimpi pero ako po hindi. Nabubungangaan ko po siya. Katwiran po ng nanay ko, nakakahiya sa kapit-bahay o ano iisipin ng kapit-bahay. Ang katwiran ko po hindi tayo ico-correct ng kapit-bahay. Iniisip ko na baka sumosobra na ako at nagiging pakeelamera tuwing pinagsasabihan ko siya kaya lang po hindi ko po matolerate magsa-walang kibo na lang. Hindi ko po ma-ignore attitude niya at dahil ang nanay ko panay daing. Pakiramdam ko ang sama ko ng kapatid sa kapatid ko. Or nakonsensya ako kapag mag-aaway kami. Gusto ko lang naman po na maintindihan niya mga bagay-bagay. ‘Di ko din sure kung magkakasundo pa kami.

    Another thing po ay alcoholic ang aking ama. Senior citizen na po siya. Halos araw-araw po siya umiinom at kahit paninigarilyo na dati bawal ginagawa niya ulit. At panay ang ubo niya. Ayaw niya po magpatingin sa doktor. Halos nagmakaawa na kami na tumigil siya kasi natatakot po kami na baka lumala kaso ayaw pa din nia. Halos taon na po na pabalik balik ubo niya. Binabale-wala. Ang takot ko po eh baka lumalala condition niya. Takot ako lalo at ako ay may health problem din. Ang tigas po ng ulo. Sobrang hirap magpalaki ng magulang. Tapos may mga nababasa pa ang nanay sa cellphone ng tatay na pinaghihinalaan namin na may babae siya. Iba rin ‘yung way niia sa pagcellphone na parang may tinatago siya. Ilang taon na din halos ‘yung ganung issue. Kaso itinatanggi niya kapag may confrontation na sila. Paulit-ulit. Minsan may kausap siya na alam mo na ‘di normal base sa tono ng conversation. Pati way ng texting niya na pasimpleng sumisilip pa kapag nasa paligid kami. Sobrang ingat na ewan po. Ang pinakamasakit ‘yung kinausap ako ng isa ko kakilala na bali-balita na may babae daw ang tatay ko at parang may anak pa. Nu’ng sinabi niya sa akin ‘yun ‘di maprocess ng utak ko paano magre-react. Hanggang sa ‘di na namin pinag-usapan ‘yun. Hindi ko alam ang tamang gawin at parang wala akong lakas ng loob na i-confront ang tatay ko. May part sa akin na naawa kaso po kahit ano namang kausap sa nanay ko parang bale-wala. Kasi sobrang tagal na nitong issue na ito. Basta sa obserbasyon ko may nagbago sa ama ko. lagi niya din po pinaglilihiman ang nanay ko lalo sa pera at tinitipid sa financial support. Naawa ako sa nanay ko at lagi siyang dumadaing sa akin at nakikita ko siyang umiiyak. Hindi ko din alam paano siya tutulungan bilang panganay na anak. Ang hirap magtapang-tapangan pero ako pinipiga sa loob. ‘Di ko po alam pero pakiramdam ko hirap ako magprocess ng stress at problema. ‘Di ko po alam kung paano i-process lahat. My emotion is getting weaker or should I say physically and emotionally in pain na parang gusto ko na lang lumayo o tumakas o maglaho kaso ‘di ko kaya. I feel so empty at nawawalan po ako ng gana. I am aware na may signs na po ako ng depression. It’s really difficult. It’s difficult na bumangon every day. Pasensya na DJ Chloe, I hope you enlighten me and please hide my identity po. Maraming salamat po. God bless you always.

    Miss J

    Hi Miss J,

    Wow. You know when it rains, it really pours. What can I say? But I am so sure, someone else has ran into this issue before and solved it. May nauna na sa’yo. Maaring ibang klaseng problema naman and maybe more challenging but 99.9 percent of the problems out there have existed before you. Chances are, you aren’t reinventing the wheel. Whenever you are confronted with a challenge, take a moment and realize that someone else, somewhere, has most likely ran into this exact same challenge and they’ve found a way through it. I don’t know how or what you’re going to do to power through it, and seriously I also do not know what to tell you, but to hang on. And just live one day at a time. Do you have relatives? Maybe you can take a break from everyone and just decompress somewhere in the province? Kaya mo pa bang bumyahe? Might be what you need. You know, life is really never easy. But what I know is that it gets bearable when you have GOD to talk to everyday. Just give it all to Him. It’s His department already. Sometimes the best thing you can do is just to pray for people to change and ask God to change them and make things bearable for you. God bless.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.