Chloe's Inbox - When you see his true colors
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – When you see his true colors

September 2, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-YOU-SEE-HIS-TRUE-COLORS

    Good day po! Dear DJ Chloe,

    Isa po ako sa laging nakikinig sa inyo at naglakas ng loob na humingi din po ng advice.  Itago niyo na lang po ako sa name na Ms. Cancer. I’m 38 years old at may tatlong anak—dalawa sa una at isa sa live-in partner ko po ngayon. Noong una po wala pa kami anak ng live-in partner ko, okay pa siya magtreat sa mga anak ko. Close siya pero noong nagkaanak na po kami bigla po siyang nagbago. Nandyan ‘yung times na magdadala siya ng pasalubong para sa anak niya. Pagganun ang nangyayari inaaway ko po siya kasi kawawa naman ‘yung dalawang anak ko sa una. Iba na ‘yung treatment niya. Sa ngayon po mage-eleven years na kami parang nakikita ko sa kanya na hindi niya tanggap ‘yung dalawa at sabi po niya sa akin ibigay ko na lang sa ama nila. Pero ayoko po ako ang naghirap sa kanila at nagpaaral at ayokong mawala sila sa tabi ko. Sa gastos po sa bahay hati po kami pero about sa gastos sa dalawa ako lang po kasi, ayokong isumbat niya or saktan ‘yung dalawa.

    Sa ngayon po nahihirapan na ko sa ugali niya gusto ko na po makipaghiwalay pero hindi ko alam kung tama po ba gagawin ko, naaawa din ako sa anak namin na babae pa naman at mahal na mahal siya. At isa pa po parang nakikita ko sa kanya na inaantay lang niya kuhanin siya ng mga anak niya nasa abroad para mabuo na sila ulit.

    Kahit sa Facebook ayaw niya ilagay anak namin ‘yung dalawa, anak niya lang sa una ang nakalagay. Hindi ko alam kung ano plano niya sa pagsasama namin kasi kahit sa work niya hindi niya pinapaalam na may kalive-in siya. Sana po ay mabigyan mo ako ng advice.

    Maraming, maraming salamat po! DJ Chloe, at hindi ko din po maintindihan bakit need pa niya i-save ‘yung picture ng girl na officemate niya sa cellphone niya. Nagfeeling binata pa din siya, ibig sabihin hindi pala siya kuntento na nasa tabi niya kami. 52 years old na po siya.

    Hi Ms. Cancer,

    So lumabas na ang tunay na kulay? Kalive-in mo? ‘Di kayo kasal kamo? So ‘di mahirap para sa’yo na hiwalayan ‘yan, ‘di ba?

    Complicated lang kasi may anak sa’yo. Now the way things are going, if kunin na ‘yan ng mga anak niya sa abroad mawawala din ‘yan sa buhay mo.

    Bakit ‘di mo na lang i-let go ngayon pa lang? Siguro naman sapat na ang tatlong anak na meron ka para makumpleto ang buhay mo at maging busy ka para ‘di mo maramdaman na wala na kayo niyan. You’re 38. 12 years more to go. 50 ka na.

    Do you want to spend the remaining 12 years bago ka maggolden ng stressed out d’yan? And the mere fact na nag iba treatment sa mga anak mo, it only means hindi kayo ang priority niyan.

    If you feel that letting him go will unburden you, then do it. Life is too short to spend it with person who is half-baked about you.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.