CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Be with someone you want to talk to forever
August 20, 2019
-


Dear DJ Chloe,
First of all I wanna say you are so gorgeous.
DJ Chloe, ano po ba ang importante sa panahon ngayon? Maging matalino ka or puro ganda lang ang mayron? Hehe.
I had this super crush po (but…my heart said I’m in love with her. ?) kasi I’ve known her for many years kasi classmate ko siya at kung paano siya napupunta sa higher section ay hindi ko po alam. Siguro nga po DJ Chloe mahal ko na siya kaya lang turn off talaga ako sa kanya kasi nu’ng nagsabog ng kagagahan o katangahan sa mundo salong-alo nya po lahat ata (sorry po). Madalas ko siyang asarin na nuknukan siguro siya ng tamad mag-aral at minsan nga po inaasar ko siya na ipamigay na lang mga books niya para magamit naman ng iba na may utak pero ‘di afford bumili, pero parang ‘di apektado naman po, hahaha!
Actually, DJ minsan ako ang nahihiya para sa kanya dahil simpleng mga academic questions ‘di niya masagot. Siguro kung may konting dunong lang po siya matagal ko ng naging girlfriend siya. Pero ilang taon ko na po nagiging classmate wala po talagang improvement. Minsan DJ, tinuturuan ko na siya pero sa pagtuturo ko sa kanya mas nadi-discover ko na mas nakakaturn off siya. Actually, may sense naman po siyang tao, napakahina lang talaga sa academics. Minsan nga po binibiro ko siya (pero totoong biro po) na mas marunong pang magconstruct ng letter ang kapatid kong high school kesa sa kanya, hahaha! Nu’ng nagsabog ng katangahan sa mundo sinalo niya ata lahat. Pero in love po ako sa kanya eh. Mahal na mahal ko na ata ‘tong engot na ‘to. Futuristic po kasi ako DJ, paano kung sakaling maging kami at pakasalan ko siya at magkaron kami ng family? At paano kung nauna akong namatay, paano ang future nila at ng magiging anak namin? At paano niya mabibigyan ng advice kapatid ko kung ang kapatid ko mas marunong sa kanya? ‘Di naman sa pagmamayabang DJ Chloe, secured na ang buhay namin ng kapatid ko dahil when my dad passed away, ‘di man siya nakapagstay sa amin ng matagal iniwanan naman niya kami ng maayos na buhay. Bahay, pera, sasakyan at tatlong negosyo. Sino na lang ang mag-aasikaso ng lahat ng ‘yan? Lahat ng pinaghirapan ni dad kapag nawala ako? (May rare po kasi akong sakit pero wala naman pong taning, hehe). Alam ko DJ may gusto siya sa akin, actually, jackpot na nga siya dahil magandang lalake naman ako, hahaha! Kaya lang s’yempre ‘di ko naman masyado pinapahalata sa kanya na may dating siya sa akin kasi ayoko naman po siyang umasa at masaktan kahit papano close naman kasi kami.
Medyo naguguluhan na ako DJ Chloe. Gusto ko na po kasi magkaroon ng inspirasyon na pang habang-buhay. Sa March po kasi ga-graduate na ako at mag fo-focus na sa family business namin (actually focus naman po ako kahit nag-aaral ako, kanang kamay ako ni mom). Gusto ko na po magka-family na masasabi ko na akin at mga anak na maiiwanan ko pag nawala na ‘ko (sayang po kasi lahi ko hahaha). Sabi kasi ng utak ko, marunong na tao madiskarte at may asenso, sabi naman ng puso ko wag ng choosey magmahal na lang kahit walang kasiguraduhan sa future.
Nagpapasalamat,
Jun
Hi Jun!
Naalala ko kaklase ko nu’ng college, sobrang ganda. Pagtinatawag ng professor namin nakatingin na sa’kin, hingi ng rescue kung ano ang sagot.
She ended up with the school heartthrob pero ‘yung asawa niya, balitang-balita na nuknukan ng babaero. So, kahit pala anong ganda hindi guarantee na magiging matino ang lalaki o maayos ang marriage.
Ano nga ba ang importante? I believe you should find someone na may character na maayos at may takot sa Diyos. Please read Proverbs 31:10.
Kilalanin mong mabuti si Ms. Beautiful. Baka naman mahina sa academics pero madiskarte naman sa buhay at magalang naman sa nanay mo.
Kung maganda lang at ni hindi mo nakakausap, eventually, ma bobore ka diyan, kasi baka buong pagsasama niyo palagi ka na lang mag-eexplain sa kanya.
You know, after all the romance, the honeymoon, ano na pag-uusapan niyo? Tingnan mo na lang kasi maganda? Tatanda din ‘yan, kukulubot, tataba ‘pag nagkaanak.
Sabi nila marry someone you love to talk to, as you get older, their conversational skills will be as important as any other.
-
COMMENTS















