CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Sometimes it’s better to let go
October 14, 2019
-


Good evening po DJ Chloe,
Akala ko kasi sa ibang tao lang ‘to nangyayari. Hindi ko din nai-imagine na nangyayari na sa akin. I am in a relationship with my three-year boyfriend. We are happy, LDR din po kami, by the way. And every time ang pinag-aawayan lang namin ay walang kinalaman sa third party or what po na may connect po dun. Siguro selos or tampo lang po, ganun lang po, DJ Chloe. But here, pasensya na po wala na po talaga ako mapaglabasan tungkol dito. Para sa akin, isang malaking sampal na malaman kong nagchi-cheat siya sa akin and he had sex po with his kapit-bahay nung September 3 po. Hindi niya pa po sa akin sinabi ‘yun kasi wala daw siyang lakas ng loob. And nu’ng September 18 daw po naulit ‘yun. The mistress or ‘yung girl po is may boyfriend din po. And ‘yung boyfriend n’ya po is kaibigan po ng boyfriend ko. And then, eto na nga po nu’ng September 23 na lang, po dun ko lang po nalaman, na inaakusahan po siya bilang rapist which is not true po. Kasi kitang-kita po sa CCTV at sa conversations na ‘yung babae po ‘yung nag-aya sa kanya na gawin nga po ‘yun. Unfortunately, ‘yung babae nagdelete po ng conversation. DJ Chloe, gusto ko na po makipagbreak that time, gustong-gusto ko na po kasi para kasing tinapakan niya pagkababae ko. At hindi ko alam paano siya papatawarin. Tinanong ko sa kanya kung paano nangyari at ang buong istorya pero DJ Chloe naiiyak lang din po siya. Kasi hindi niya din daw po expected. His mother, sister, and father po talked to me, sabi ‘wag ko daw po muna siya iwan kasi mas need niya ako ngayon kasi sobrang depressed niya po. DJ Chloe, tama po ba ang desisyon ko? Na magstay ako kasi alam kong mas need niya ako, or do I need to leave and iwan po siyang mag-isang lumalaban sa problema niya? Thank you, DJ Chloe. Please help me po. And kindly keep this message confidential, hindi ko na po talaga alam gagawin ko. Being with him for three (3) years, DJ Chloe, wala po akong pinagsisihan. Hindi naman po ako nagcheat or naging masamang tao sa kanya. Hindi ko na po alam, DJ Chloe. Sana po matulungan niyo ‘ko. Noon po lagi kong pinagdadasal kay Lord na kung hindi siya para sa akin sana bigyan ako ng sign at kung para naman po siya sa akin, sana bigyan niya uli ako ng sign. Alam ko pong dumadaan po talaga sa ganito ang isang relasyon pero ang hirap po pala pag sa inyo nangyari. Simula po nu’ng nalaman ko ‘yan every night na lang po ako umiiyak. DJ Chloe, hindi ko po talaga alam. Thank you po and God bless you.
Hi Girl,
People really has a way of surprising us. You don’t expect this from him—that he is capable of doing this to you, but he did. Now it leaves you confused. Kasi parang pag-iniwan mo, kasalanan mo pa dahil kailangan ka niya ngayon? At ngayon mo siya iiwan? Sa tingin ko ang kailangan niya—magaling na abogado. Kung hindi niya pinakialaman ang girlfriend ng KAIBIGAN niya, wala sana siyang problema ngayon. ‘Yung gawin niya once p’wde mo pang maintindihan eh. Nagkamali, natukso, pero umulit pa. So gusto niya na ‘yun. Gustong-gusto niyang gawin ‘yun. That alone is enough reason to leave (para sa akin ha ). But it’s all up to you, you wanna prove your love and loyalty by staying, go ahead. Just make sure he is worth it.
-
COMMENTS















