CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – When money gets in the way
September 18, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Itago niyo na lang po ako na Ms. Sagittarius. Year 2016 po nang makilala ko ang isang Italian. Naging magkaibigan po kami online, tinutulungan po niya ako financially kahit ayaw ko pinapadala pa din niya. Habang tumatagal lumalalim ang feelings ko sa kanya kasi ang sweet niya sa’kin. Three (3) years na kaming magkaibigan. Ngayon may girlfriend na siya. Nu’ng una hindi ko natanggap pero ngayon okay na sa’kin. Pakiramdam ko kasi iniiwasan niya na ako. Tama lang po ba ang ginawa kong tigilan ko na kasi lagi kaming nag-aaway. Sana po mapansin niyo ang sulat ko. Masakit na siya magsalita porke tinutulungan niya ako.
God bless po, DJ Chloe! Maraming salamat po.
Ms. Sagittarius
Hi Sis,
Kung ayaw mo talagang tumanggap hindi mo ibibigay ang details mo para hindi siya makapagpadala. ‘Yan talaga ang katotohanan, sa konting halaga kung pagsalitaan ka akala mo nabili ka na niya.
Kung may girlfriend na siya, then ano pa ang role mo sa kanya? Friends? Tapos masakit magsalita sa’yo?
You don’t need a friend who will put you down. If feeling mo iniiwasan ka na niya then iwasan mo na din siya. It’s enough na nakatulong siya sa’yo at naging kaibigan mo siya.
Kaya it’s important na walang money involved. Walang isusumbat sa’yo.
-
COMMENTS















