CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – When women desire to soar high
November 4, 2019
-


Hi po DJ Chloe,
Please hide my identity. Tama ba itong ginawa ko? Lagi kasi akong niloloko ng asawa ko. Humantong kami sa punto na bigyan ng laya ang isa’t isa. Pinauwi ko muna siya sa magulang niya kasi ‘di ko na matiis ginagawa niya sa akin na laging nagsisinungaling at naglilihim palagi. Nakakapagod din pala na lagi kang uunawa porke’t mahal mo. Kahit tinatapakan na pagkatao mo. Ngayon para akong natauhan. Lagi kasi nilang sinasabi na para daw sa mga bata kaya mag-ayos kami agad. Paano naman ako? Kung dahilan lagi mga bata paano naman ‘yung damdamin ng ina nila?
Ngayon, alam kong nakapag desisyon ako ng tama kahit masakit sa akin na malayo siya samin. Kaya lang ‘di ko alam paano gagawin ko para makamove forward. ‘Di ko alam ano meron sa hinaharap, ngayon na sira na tiwala ko sa kanya. Parang ‘di na rin naman kami o-okay kahit bumalik pa siya. Isa pa, ilang buwan pa lang ako na nakapanganak sa bunso naming. ‘Di ko alam paano ko lilibangin sarili ko sa dami ng pinagdaanan ko. Si Lord na lang talaga inaasahan ko. Painful man ang process alam kong maghi-heal din ang sugat at matututunan kong bumangon kahit emotionally drained na ako. Thank you, DJ! Hoping na mabasa mo itong message ko. God bless and more power!
Mrs. Feb
Hi Mrs. Feb!
No one can judge you for the decisions you’ve made. I saw this digital campaign of a certain soft drink, si Janice De Belen at anak niya. And there, Janice mentioned she is a single mom. Take note ha, I think apat o lima ‘yung mga batang iniwan sa kanya ng ex niya. As a mother, she say’s she did everything she could para walang kulang. The daughter attested to that, she even said that when she, their mom did what she had to do, she became happier. Freeing yourself from someone or something that’s killing you, won’t it make you happier? Won’t it make you feel more alive? Sa una lang ‘yan mahirap. Maghirap ka ng mag-isa kesa naghihirap ka na, pinapahirapan ka pa. You’ll get by, don’t worry, ang dami ng nauna sa’yo.
-
COMMENTS















