CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – You will know if he’s into you
December 6, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Just call me Arvie. Fan mo ako kasi ang galing mong mag-advice sa mga problem ng iba. I never thought that one day hihingi ako ng payo sa‘yo. It all started nu’ng time na nagkakalabuan kami ng online boyfriend ko na si Vincent. Isa siyang US Marine. Dahil problematic at kailangan kausap nakipag friend ako sa isang groupmate ko sa isang dating site. Just call him na lang Jay. He’s twice my age. He’s 26 while I’m 48, but I’m single, never been married and has no kids. Ganoon din siya. Friends lang peg namin noon kasi after I broke up with my boyfriend nagkakaroon agad ako ng boyfriend na foreigner. So minsan message lang kami para kamustahin ang isa’t-isa. Then one night nagmessage siya sa’kin kung may boyfriend na ulit ako. Sabi ko, oo—half-brazilian, half-indian. Tpos sabi niya, eto na naman daw ako, nag-boyfriend na naman ng foreigner tapos lolokohin lang ako at paiiyakin. Kasi DJ Chloe, I have four (4) foreigner ex na manloloko at pinaglaruan lang feelings ko at alam ‘yun ni Jay kasi siya ka-chat ko ‘pag broken-hearted ako. Sabi pa niya ba’t ‘di na lang daw kami ang maging boyfriend at girlfriend kasi daw gusto niya ‘ko makasama sa pagtulog. Sabi ko, “sira! Kailan mo pa naramdaman na may feelings ka sa’kin?” Sabi niya medyo matagal na. Sabi ko, “serious talk ba ‘to?” Sabi niya, totoo gusto niya raw akong makatabi sa pagtulog at yakapin ng mahigpit. Sabi ko, ‘di p’wede maging tayo kasi may maaapakan tayong tao—‘yung boyfriend ko nga. Sabi niya, “magbi-break din kayo niyan.” Since noong sinabi niya ‘yun naguluhan na ako about everything. Pakiramdam ko may feelings na rin ako sa kanya so para walang masagasaan nakipagbreak ako sa foreigner boyfriend in favor of him. Pero nasayang lang pala ‘yun kasi ‘di na siya nagparamdam. ‘Di niya ‘ko mini-message so ako na nagmessage sa kanya to check out on him. Sumagot siya, sabi niya may problem lang siya kaya ganon. Sabi ko magsoul searching siya para mahanap niya solution sa problem niya. ‘Di pa rin siya nagparamdam, ilang araw then today ni-like niya ‘yung photo na post ko of an athlete guy sa SEA games. Si Aljon Salonga, tapos biglang binlock niya ‘ko sa messenger. Ewan ko kung nagselos siya o siguro maraming against sa feelings niya para sa akin na ‘yun ‘yung pino-problema niya.I tried reaching out to him nagpost ako sa wall niya kung bakit niya ‘ko binlock.
“Sorry kung may nagawa akong mali sa’yo. ‘Di ka kasi nagme-message kaya ‘di tayo magkaintindihan kung ano na ba.”
Help me DJ Chloe, ano ba dapat kong gawin? Should I let him go na lang at pabayaan siya kahit ginulo niya feelings ko. Sana ‘di na lang niya sinabi na mahal niya ‘ko tapos aalis din pala siya bigla. At ‘di man lang din tinanong kung mahal ko rin siya. Hihintayin ko payo mo, DJ Chloe. Thanks.
From
Arvie
Hi Arvie,
Let’s give the guy the benefit of the doubt. Baka nga naman may problema lang siya. But you know, reading your letter, it was you who asked him if kailan pa siya nagkaroon ng feelings sa’yo when he said na gusto ka niyang makatabing matulog, para mayakap. It seems na hindi naman klarado anong klaseng “feelings”meron siya para sa’yo. And also, don’t you find it offensive na ang gusto niya eh makatabi kang matulog? ‘Di ba mas maganda kung sinabi niya na lang na gusto niyang makasama kang tumanda? Katabi matulog agad? ‘Di ba p’wedeng manood muna ng sine? Kumain sa labas? Tulog agad na magkatabi? May problema man siya o wala, deadmahin mo na, girl. Kasi parang napahiya ka na sa pangde-deadma niya bigla. Importante sa lalaki ang consistency at wala siya n’un.
48 ka na, ‘wag mo nang ipahiya uli ang sarili mo by posting on his page about personal matters. That is so embarrassing not just for him but for you as well. Social media is not an avenue to resolve personal matters. And to make yourself look like naghahabol ka or nanunuyo ka. Social media is an avenue for you to showcase yourself positively.
-
COMMENTS















