Chloe's Inbox - You don't owe anything to anyone
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – You don’t owe anything to anyone

November 18, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - YOU DON'T OWE ANYONE AN EXPLANATION

    Hi DJ Chloe,

    Please hide my identity. Just call me Yen. Simple lang naman buhay ko noon. Simple lang din ang pangarap ko. ‘Yung magmahal at mahalin ako ng taong mahal ko. Nangyari naman, kaya lang napaka kumplikado ng lahat. Nakilala ko siya, si Andy. Meron siyang kalive-in partner noon at may isang anak. Umiwas ako kasi alam ko he’s taken na. Dinedma ko ‘yung feelings ko for him. Sa isang factory kami nagwo-work. At ang hirap noon. Sobra. ‘Yung iiwas ka sa taong gustong-gusto mo. Kahit mahirap, ginawa ko. Lumipas ang ilang araw at buwan. Nabalitaan ko na, nagkakalabuan na sila ng LIP nya. Kasi marami ding tsismosa doon sa trabaho namin. At ‘yun, kalaunan naghiwalay sila. Then, that day nagkausap kami at medyo naging close. S’yempre ‘di maiiwasan ang matsismis kasi kakahiwalay lang niya noon at biglang napalapit siya sa’kin. At may mga nababalitaan na ‘ko na inagaw ko daw. Nagtaka ko. Dun ko na siya kinompronta. Sabi ko sa kanya noon, ilabas niya ‘ko sa issue ng ex niya. Kaya nu’ng time na ‘yun nalaman ko din kung bakit sila naghiwalay dahil din sa ugali nila na ‘di mapagkasunduan. Kalaunan, lalo kaming napalapit sa isa’t-isa. At niligawan niya ‘ko pero nag-aalangan na ‘ko. Kasi alam ko na pag-uusapan kami. Pero hinayaan ko na lang ang sasabihin ng iba. Kasi mahal ko na din siya that time—two (2) months mahigit after their break up. Niligawan niya ‘ko ng one (1) month. Then naging kami. Akala ko okay na, magiging tahimik na ang life namin. Pero hindi pala. Lalo kaming pinag-usapan at sinabihan na ‘ko na kabit, malandi, etc. Ang sakit. Sobra. Buong buhay ko, ngayon lang ako nkatamo ng ganong salita. Sobrang sakit. Inisip ko, ‘di naman sila kasal eh. Bakit kung insultuhin na lang ako, ganon na lang. At pagkakaalam ko okay naman na ex niya sa bago ding love life. Pero bakit ganon pa rin mga sinasabi ng ibang tao sa’kin at sa relasyon naming? Ang sakit lang na ‘di ka pa nila lubos na kilala eh hinusgahan ka na agad. Pero dahil nandyan ang taong mahal ko, siya ang nagbigay sa’kin ng lakas para harapin lahat ng pagsubok. At ‘di ko na lang iniisip ang sinasabi ng iba. Basta alam namin sa sarili naming wala kaming ginagawang masama. Sana mabigyan niyo po ng advice kung paano maging strong sa ganitong sitwasyon. Thank you po and God bless to your station.

    Hi Yen,

    People will always say what they want to say. They will always talk no matter what you do. Even if you don’t do anything, if they want to make a comment, they will. There’s only one thing you can do, and that is not to give a hoot. They don’t know anything about what’s going on with you and your relationship, and you don’t OWE anyone an explanation. If you’re not guilty of anything as what you’ve said, then nothing should bother you. Titigil din ‘yang mga ‘yan ‘pag may bago ng pag-uusapan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.