Chloe's Inbox - You have exert an effort to make your relationship work
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – You have exert an effort to make your relationship work

October 27, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - YOU HAVE TO EXERT AN EFFORT TO MAKE YOUR RELATIONSHIP WORK

    DJ Chloe good day!

    Hingi lang po sana ang opinyon/payo niyo. ‘Yung kapatid ko kasi namo-mroblema siya sa asawa niya. Bacoor kami nakatira and ‘yung husband niya is nagwo-work sa Unilab-Laguna. Dati nakakauwi-uwi pa naman si guy. Pero nagdecide na magboard siya kasi kesyo napapagod sa byahe. But before that, may previous away mag-asawa na sila dahil sa selos. Selosa kasi kapatid ko. Lalo pa ngayon na buntis din siya. Hanggang sa lumala ang lahat. Every time na nag-aaway sila, ibinabalik ni lalaki ‘yung mga pagseselos ng kapatid ko. Kesyo possessive daw kapatid ko at kung ano-ano pa. Hanggang sa dumating ‘yung time na tumawag mama ko sa’kin para puntahan kapatid ko kase nagtext daw bayaw ko na nagbabanta ‘yung kapatid ko na magsu-suicide siya pag-umalis siya kasi nga gusto na niya magboard at weekly na l ng niya uuwian ang kapatid ko. Pero iiwan naman daw niya ATM niya. So ayun kinausap ko sila. Wala naman daw siyang ibang babae. Napapagod lang siya sa kapatid ko kasi may pagkabungangera. Pinag-usap namin sila at nagdecide sila na magboard na ‘yung bayaw ko. Ito na, Monday-Saturday lang work niya sa Unilab. Dapat Sabado uuwi na siya sa kapatid ko. Pero ang nangyayari, Linggo na siya nakakauwi. Sabi ng kapatid ko, parang walang ka-excite-excitement umuwi asawa niya. Samantalang may anak silang lalaki at buntis pa siya. At wala n rin daw kagana-gana sumagot sa text niya. One time, tinawagan niya asawa niya ng gabi, galit pa daw at sinabi “wag mo muna ako tawagan, pagod pa ako!” Pero may naririnig daw siyang boses ng babae. At ayun nagtuloy-tuloy away nila at every time na nagpupuno siguro bayaw ko, sinasabihan niya na “wala na akong nararamdamang pagmamahal sa’yo at nagsisisi ako na nagpakasal pa tayo.” Para sa’kin masakit ‘yun kasi babae rin ako. Masakit na marinig ‘yun sa asawa mo pa mismo. Kaso kapatid ko, ayaw niya makipaghiwalay. Magpapakamatay daw siya. Natatakot kami. Sinasabihan namin siya na tatagan niya at ihanda niya sarili niya. May anak siya at manganganak pa this December. Nakakaawa kasi kita sa itsura ng kapatid ko na stressed na siya at nagworry din kami sa baby sa loob ng katawan niya. Nag-iisip kami kung nambababae ba bayaw ko? Kasi kinompronta ko bayaw ko sabi ko magsabi siya kung may kapalit na kapatid ko sabi niya wala daw. Hay, sakit sa ulo. Hindi rin namin alam kung ano gagawin. Basta sinabihan lang namin kapatid ko na wag siya mag-isip na magpakamatay kasi hindi ‘yun ang solusyon. Kawawa lang mga anak niya. May maidadagdag po ba kayo DJ Chloe? Thank you for your time. Masyadong mahaba po.

     

    Hi Dear,

    Kung ayaw niya makipaghiwalay, baguhin niya ugali niya kamo. Alam niya problema niya—bungangera siya, selosa pa. Kahit sinong lalaki maririndi sa kanya. Mas madali ba mag-isip ng masama o magbunganga kesa magbago? May mga anak siya, buntis pa. Imbis na atupagin niyang pagsilbihan ang asawa niya kapag umuwi—bubungangaan niya, ikaw? Tingin mo? Kauwi-uwi ba ugali niyan? Magbago kamo siya baka magkapag-asa pa siya. Kung tingin niya may babae sopresahin niyang puntahan sa tirahan, hindi ‘yung nag-iimagine siyang may naririnig na boses sa background. Kapraningan na ‘yan. Sabagay, she’s pregnant, her hormones are raging. Pero nasa katinuan naman siya, ‘di ba? Try niya kamo ang ibang approach kasi nakikita niya na ang approach niya, which is NAGGING, is not at all working. The husband may not be perfect but he can also take only so much, may limit din ‘yan. And one thing about men, they all hate nagging women/wives. Minsan mas nagwo-work pa sa kanila ang silent treatment and killing them with kindness. Buti nga nagta-trabaho at willing ibigay ang ATM sa kanya. Kung iba ‘yan? Baka ni piso ‘di siya iwanan. Maybe she has reasons to doubt, maybe may history, but she chose to stay and to get pregnant again. So try niya kamo rendahan o lagyan ng busal muna ang bibig niya kapag umuwi sa kanya and instead, asikasuhin niya. Pakainin nya muna and ask him, “HOW WAS YOUR WEEK, SWEETHEART?” Baka mag iba ihip ng hangin.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.