You Are A Choice Not An Option
X

CHLOE'S INBOX

You Are A Choice Not An Option

January 5, 2017

  • easy-rock-chloes-inbox-you-are-a-choice-not-an-option

    Hi DJ Chloe itago mo na lang ang pangalan ko bilang si Miss K.

    Meron akong boyfriend three years na kami (sana) sa relationship hndi naman maiiwasan ‘yung away-bati problema dito problema dun nung dumating ang December ng masaya ang dami namin plano sa buhay. Plano sa trabaho, etc. Until December 20 para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil bigla siyang nanlamig, ang bilis magalit at higit sa lahat hindi na ako masyado nirereplyan.

    Tinanong ko siya ng ilang beses anong problema ano dahilan ng mga pinapakita niya hanggang sa nalaman ko na nakausap pala niya ‘yung bestfriend niyang babae na umamin sa kanya na gusto siya. Ang sakit sakit, DJ Chloe kasi nang dahil sa pag-amin ng best friend niya agad-agad siyang nanlamig sa akin at inamin sa akin na nagugustuhan niya na ‘yung best friend niya. Take note ‘yung best friend ng ex ko na babae ay may boyfriend din. Kaya hindi ko alam paano nila natitiis na manakit ng damdamin ng iba.

    Nakita ko din na habang kami pa eh sobrang sweet na nila sa isa’t-isa at may mga selfie pa (sa messenger). Sobrang sakit bilang isang babae na malaman na nagagawa sa’yo ng boyfriend mo ‘yun ng harap-harapan man o hindi. Sinabihan ko na din siya nu’n na tigilan na niya kaso siya pa ang nagalit kasi gusto nga daw niya ‘yung best friend niya. Oo, tanga ako, DJ Chloe. Lahat siguro talaga kayang magpakatanga sa taong mahal nila. Alam ko lahat ng tao nagbabago pero hindi ko lang matanggap na naghanap siya ng comfort sa iba imbis na sa akin makipagayos. Sobrang bilis magbago ng nararamdaman niya. Sobra akong nag-iisip kung ano pa ba kulang sa akin kaso ang malupit niyan sa kaniya na nanggaling na hindi siya nakuntento sa mga naibigay ko sa kaniya bilang girlfriend. Sobrang kulang daw kaya nabaling ‘yung atensyon niya sa best friend niya. Sobrang sakit lang. Sobrang hindi ko makakalimutan ‘yung araw na ‘yun, malapit pa man din magpasko.

    To cut the story short, nakipagbreak ako pero ayaw niya dahil ayaw daw niya ako mawala. Sabi ko b******t. Kasi ano ‘yun inaantay niya lang na magbreak din ‘yung best friend niya at boyfriend at kapag okay na iiwan na lang ako ng ganon ganon na lang? Tumungo na lang siya nu’n at hindi nakapagsalita kaya dineretso ko pa din ‘yung pakikipaghiwalay ko kahit masakit at kahit na alam kong sobrang tanga ko na sa kaniya. Kailangan ko pa din isipin ang sarili ko. Kailangan ko bumangon sa pagkakadapa ko at higit sa lahat kailangan kong tulungan ang sarili kong maging isang mabuting tao. Pagdadasal ko na lang sila sa ginawa nila.

    Hindi ko po nilalahat ang mga lalaki. Alam kong meron pa din na matino at kayang maging loyal sa babaeng mahal nila kahit mismong tukso na ‘yung lumalapit sa kanila.

    Alam ko po, DJ Chloe, hindi po tayo magkaano-ano gusto ko lang po sana maglabas sa inyo ng sama at bigat ng loob ko at humingi ng advice. Maraming salamat po at more power po sa inyo. God bless.

    Miss K

    Hi Miss K,

    A heartbreak is something that all of us will go through or has to go through in our life time. Life has a funny way of teaching you lessons on love, trust, and betrayal. I know how painful it is to be betrayed. But life goes on after every pain, after every tear, after every betrayal. Allow yourself to grieve, it is human to cry. One day you will realize, that the best thing, the best decision you have made is when you decided to free yourself from this person. A man who loves you will only give you tears of joy. Thank him for showing his true colors. His leaving will pave the way for the right person to come. Imagine how much you can love the right person when you’re already loving the wrong person this much. Let go completely. You don’t deserve to be treated like an option.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.