Choose Your Family First. Always.
X

CHLOE'S INBOX

Choose Your Family First. Always.

July 26, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---CHOOSE-YOUR-FAMILY-FIRST-ALWAYS

    Hi DJ Chloe! Need ko po ng advice, just call me Tonton, 30 years old. May asawa at isang anak, seven years po kaming nagsasama ng asawa ko at the same na may work.

    One day dumating ‘yung problem na nagtatampo sa’kin ang asawa ko dahil din sa’kin. Hindi po ako nagpaparamdam ng ilang months sa anak ko, nasa province po ng asawa ko ‘yung anak namin. Sabi niya sa akin bakit hindi man lang daw ako tumatawag sa knila. Alam ko pong mali ‘yun. After that parang binali wala ko lang ‘yun. Hanggang sa lalo siyang nagtampo at umalis sa bahay. One day nalaman ko na lang may boyfriend siya. ‘Yung supervisor nila sa work, hiwalay din at my anak.

    Subrang sakit sa’kin at nagsisi ako nun. Nakipagbreak agad siya sa boyfriend niya nu’ng nalaman ko pero ayaw na niya bumalik sa’kin. ‘Wag na raw ako umasa na bumalik siya sa’kin. Sa bata na lang daw ako bumawi sabi niya. DJ Chloe, ayaw ko ng broken family. Ano po gagawin ko para bumalik ang asawa ko? Maraming salamat and more power to your program.

    Hi Tonton,

    Sana hindi mo pinabayaan ang pamilya mo para ‘di ka umabot sa ganito kasi ayaw mo pala ng broken family eh.

    Although it’s not a reason for your wife to find someone else.

    But then you know what, kung ikaw you are doing your obligation naman as a husband, siguro hindi matutukso ang asawa mo sa iba.

    The only thing you can do is to do everything you can to get them back.

    Lahat gawin mo, kausapin mo, suyuin mo. Pakita mo na nagbago ka na at magpakaama at asawa ka.

    ‘Yun lang. And don’t give up on them kasi pamilya mo ‘yan.

    I am sure naman if she sees your sincerity, she might change her mind and go back to you.

    Just be sincere in your intentions and ask God for His intervention para bumalik sa’yo ang pagtingin ng asawa mo. ‘Yan ay kung talagang gusto mo siyang bumalik at kaya mo syang patawarin sa pagakakaroon niya ng iba at kung kaya mong kalimutan ang nagawa niya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.