CHLOE'S INBOX
Cinderella’s Step Mother Kind Of Story
July 26, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Good morning! Sana mapansin mo ang sulat ko. Lima po kami magkakapatid at balo na ang father ko for 7 years na po. DJ Chloe, ano po ba ang dapat ko gawin sa STEP MOTHER ko? Lahat nalang ng hinihingi namin sa father ko, hinaharang niya or kinokontra niya. Ang masaklap pa po, sinusulsulan niya ang father ko na paalisin ang mga ate ko na pansamantalang nakapisan sa father ko, pero pag mga anak ni Kat, “STEP MAMAW” pwede tumira.
Bini-brainwash at na-under na niya ang father ko at isa pa, mahilig bumili at umutang ng mamahalin pahulugan at si father ko ang nagbabayad ng mga inu-utang niya. Ang mas masama pa po, inaangkin niya ang maliit na napundar ng father ko. Wala daw po kaming karapatan dahil pinundar daw nilang dalawa yun. Buti nalang po ay kasal si girl sa una niya asawa na hanggang ngayon, buhay pa dahil gusto pa niya magpakasal sa father ko. Gusto niya kamkamin lahat. Hindi na nga po namin sila pinapakialaman mula ng inuwi siya ng father ko. KAHIT NAKAKAIRITA SIYA KASAMA MASYADONG “PABEBE”. Dahil may sari-sarili na din po kaming pamilya, kaya lang, parang may hindi na po tama. ANO PO BA DAPAT NAMIN GAWIN SA KANYA? NAKAKA STRESS NA PO TALAGA SIYA!
-K
Dear K,
Hi K! Well, if your father is so into her, there’s really nothing much you can do. Kasi eto, sasabihin ko ang classic line ng mga tao sa ganitong sitwasyon ha, “She is able to give your Dad, what you and the rest of your siblings can’t give”
Gets? So anyway, seldom can you really find a good step mom. Ewan ko ba, nature yata ng tao ang mostly masama.
But anyways, I don’t really know how I can help. You can talk to your father about this, kayong magkakapatid, and let him know about how you feel about the situation. Siguro ako, if this happened to me (Lord, wag naman po), I will sit down with my Dad together with my siblings and lay our cards on the table and will definitely tell the “new woman” how we feel about the whole circus. But knowing my siblings, I don’t think kakayanin mag hari-harian niyan sa bahay namin! J
Or you can find ways to be-friend her, and make this work to your advantage. Matanda na tatay niyo at sabi niyo nga kasal siya sa iba, so bantayan niyo na lang assets niyo. Atleast may kasa-kasama ang tatay niyo at may mag-aalaga sa kanya diba? Wag kayong mag-alala kung panay ang utang niya kasi kung wala nang pambayad ang tatay niyo, eh wala na naman na din siyang magagawa.
It’s really important that we make ourselves stable. Kasi kung hindi ang kalalabasan talaga, makikipisan tayo, kaya nangyayari yan sa kapatid mo kasi nakatira pa din siya sa tatay niyo. Strive to make something out of yourself, so you don’t find yourself in this situation. I know of someone, nag away-away ang mga magkakapatid dahil sa bahay na minana nila sa magulang, but that person, hindi na siya nakipag-agawan. Reason niya? “Meron nakong pamilya, may bahay na rin ako. Bigyan nila ako salamat kung hindi, bahala na Diyos sa kanila.”
-
COMMENTS














