Is having a crush normal even if you're married?
X

CHLOE'S INBOX

Is having a crush normal even if you’re married?

November 6, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IS-CRUSH-A-NORMAL-THING-EVEN-IF-YOU'RE-MARRIED

    Hi DJ Chloe,

    Kamusta po kayo? Ako po si Mhine, 32 years old. I need some advice from you, nahihiya kasi ako mag-open up sa mga friends ko. Ganito po ‘yun, ako’y may asawa na. Normal lang po bang magkacrush to some another guy? Inaamin ko even before nagkacrush ako sa ibang lalaki, pero nawawala din naman siya paglipas ng mga araw. Pero itong crush ko ngayon, months na po ang lumipas pero ‘di siya nawawala until ngkaroon kami ng communication thru Facebook at text. May time na inaaya niya akong lumabas kami kahit alam niyang may asawa na ako. Pero ‘di ako pumayag kasi mali at natatakot ako sa Diyos. Until nitong last Sunday nagkakantahan at nag-inuman kami ng mga friends ko at mga kasama niya sa work, pero wala siya kasi ‘di naman siya umiinom. Pero nagte-text siya na labas daw kami pero ayaw ko pa rin. Before sinabi ko sa kanya na gusto ko lang ng katropa at minsan makasama siya sa inuman. Kahit pa sabihin kong crush ko siya, yes po inamin ko sa kanya na crush ko siya, at alam ko naman ‘yung limitations ko sa sarili. So ito na, last Sunday mga around 9pm pumasok ako sa garahe nila dahil may hinatid lang akong pera para sa kasama niya. Nauna siyang lumabas at sumunod ako. Paglabas ko hinatak niya ako sa isang tabi, saglit lang daw. Sabay kiss sa’kin, pero nagsorry din naman siya dahil ‘di daw niya napigilan sarili niya. Tapos iniwan ko na siya dahil baka magtaka mga kasama ko ba’t ako natagalan. Pero that kiss bothered me so much. Please help me po. Mahal ko naman asawa ko pero ‘di siya mawala sa isip ko. Am I going crazy na po ba? Thanks po and God bless.

    Mhine

    Hi Dear,

    ‘Di ba pwedeng kung gusto mong uminom eh sa bahay mo na lang at asawa mo kainuman mo? May asawa ka na nga sabi mo, ‘di ba? At 32, bakit pakiramdam ko parang 16 years old ang sumulat sa akin? Alam mo na dapat mong gawin, dear. Iwasan mo na ‘yan dahil ‘pag ‘yan pinatulan mo ng pinatulan hindi na lang kiss ang gagawin niyan sa’yo at hindi lang ikaw ang mabo-bother. Buong buhay mo at buhay ng pamilya mo ang maba-bother.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.