Dating a man with baggage
X

CHLOE'S INBOX

Dating a man with baggage

March 27, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DATING-A-MAN-WITH-BAGGAGE

    Hi DJ Chloe,

    Listener mo po ako at mas madalas nakikinig ng Inbox. Inaabangan ko talaga ang mga letter senders mo. I never thought na hahanapin ko rin ang page mo sa Facebook at susulat din ako. I’ve been with a guy for like two (2) years already, and medyo nagpaplano na rin lumagay sa tahimik. May anak siya, DJ Chloe, pero ‘di sila kasal ng nanay ng bata. I haven’t seen the kid kasi nasa nanay niya at hindi naman hinihiram ng boyfriend ko ang anak niya. Although he makes sure na masuportahan niya ang bata sa abot ng makakaya niya. At ‘yan ang nakikita kong problema. Minsan naiisip ko, deserve ko ba ‘to? What if siya ang maging asawa ko at magkaanak na rin kami, magiging kaagaw ng anak ko ang anak niya sa ex-girlfriend niya. You know, hindi lang sa affection kundi sa finances na rin. Eh hindi naman po ganun kalaki ang kinikita niya. Do you think magiging issue ito sa pagsasama namin in the future?

    Corinne

    Hi!

    Oh yes, Corinne! Kaya dapat pag-isipan mong mabuti. At kung ikaw ay dalaga at wala kang sabit, medyo hindi ‘yan fair sa’yo. Pero s’yempre kung mahal mo okay lang at supported mo siyempre and hindi mo ‘yan titingnan as hadlang or magiging issue. But since medyo alinlangan ka, ‘di pa kayo kasal niyan ha? So if I were you, I will reassess my situation and think it over a million times. Kasi anak niya ‘yun at habang buhay siya tatay nun. Support, time, and love, of course kailangan maibigay nya din sa anak niya. Plus, magkikita pa rin sila ng nanay nun every now and then. If you can handle it, go. If not, think about your choices.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.