Distance Is Nothing When You Love
X

CHLOE'S INBOX

Distance Is Nothing When You Love

February 13, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DISTANCE-MEANS-NOTHING-WHEN-YOU-LOVE

    Hi po DJ Chloe,

    Nagdadalawang isip po ako kung icha-chat kita.

    DJ, wala na talaga ako makausap. Sobrang lungkot ko.

    Etong kalungkutan na ‘to napakabigat, as in, ‘di ko alam iisipin ko.

    ‘Yung boyfriend ko po kasi mag-aabroad siya. Opo, nu’ng una syempre ayoko po pero nu’ng makalaunan pumayag na ‘ko para sa kanya din naman po kasi ‘yun. Wala na po silang tatay, one year mahigit na po pumanaw na po ito dahil sa isang sakit. Lima silang magkakapatid at siya lang ang nagwo-work.
    ‘Yung kapatid niyang lalaki panganay nag-aaral pa, siya pangalawa na nagtatrabaho na maliit ang kita, magkasama po kami, dun kami nagkakilala. Kakanine (9) months lang po namin. ‘Yung pangatlo nag-asawa na po, nag-aaral pa rin kaso may anak na isa. ‘Yung sumunod po high school at ‘yung isa elementary pa lang.

    DJ Chloe, ang nakakalungkot lang po kasi malalayo siya sa’kin pero tiniis ko kasi para sa kanila naman ‘yun, ‘di ba po? DJ Chloe, ‘wag mo na po ito i-post, gusto ko lang ng kausap po, kung paano ba libangin ang sarili napakalungkot ko po sobra.

    ‘Di pa siya nakakaalis pero sure na po iyon baka next month na po.

    Malaki po kita at sabi nya papakasalan niya po ako pagdating niya. Ayokong umasa baka mauwi sa wala pero kailangan ko magtiwala nakakalito, ‘di ba,

    Pero DJ Chloe, mahal naman niya ‘ko, alam ko ‘yun. First boyfriend ko siya, ako naman third na niya.

    Sakit pala ano po, ganto pala magmahal, kakambal ng sakit ang ligaya. Grabe sa una lang siguro po ito ano ? Ayoko po madepress. Boyfriend ko pa lang naman siya eh pero tao lang po ako masakit sa’kin mawalay siya. Sobra

    Pano po gagawin ko?

    Yasmin

    Hi, Dear!

    Ang pag-ibig daw para lang sa matapang.

    For now, wala kang magagawa but to trust him. Kasi magiging selfish ka naman if you will let him miss his opportunity abroad.

    Now while trusting him, ‘wag mong kalimutan ang sarili mo.

    Maghanap ka ng mga bagay na makakpagbigay sa’yo ng fulfillment habang nag-aantay ka dito, tulad ng trabaho at kung anuman na hilig mo. Asikasuhin ang sarili lalo at ‘wag pabayaan. Magpaganda pa din at ‘wag magpakadepress hanggang ma-losyang.

    Do not forget you also need to love yourself, it’s not selfish, it’s necessary.

    Hindi mo talaga dapat pinapaikot lang ang mundo mo sa isang tao, dahil kapag nawala ‘yan dala niyan ang buong pagkatao mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.