He doesn't have goals, he only wants YOLO
X

CHLOE'S INBOX

He doesn’t have goals, he only wants YOLO

October 12, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---HE-HAS-NO-GOALS-HE-ONLY-KNOWS-YOLO

    Dear DJ Chloe,

    Good day po sa’yo at sa lahat ng sumusubaybay sa program niyo. Thank you sa inyo at malaking tulong kayo sa mga listener’s dahil sa advices na binibigay niyo.Manghihingi po sana ako ng advice tungkol po sa ex-boyfriend ko po na naglast kami for tow (2) yers. Nagbreak po kami earlier this year dahil hindi ko po nababalance ‘yung time ko to him, to work, and sa bahay dahil nakikisama at nakikitira lang po ako. Naging kami po student pa lang ako ‘til nagkawork po ako at may work din po siya kaya hirap kami i-adjust. Gabi na lang ‘yung time tapos nagmamadali pa dahil kailangan ko makauwi at siya din which is doon ako nahirapan. Nu’ng time na break na kami may something na ginawa siya na hindi ko matanggap at nagkaroon pa siya ng ibang girl at ‘di din namn sila nagtagal. May contact pa din kami kahit na hindi na po kami. Minsan po may nangyayari sa’min nagkikita lang kami nang dahil doon kahit alam ko po na mali pero pumapayag pa din ako. Hanggang ngayon po gusto pa din niyang magbalikan kami kaso ang nakikita ko po sa kanya wala siyang goal. Gusto lang niya YOLO. 25 po ako at 23 siya kaya gusto ko po sana magmature relationship namin if maging kami ulit. Naging mabait naman po siya sa’kin kahit nasasaktan ko na siya emotionally. DJ Chloe, please advice me kung anong dapat ko pong gawin. Thank you. Please hide my identity, thank you.

    Hi Miss 25,

    Sabi nila, late daw talaga magmature ang mga lalaki. Well, maybe, pero meron namang at that age may mga plano na sa buhay, may magangdang trabaho na. Ang iba napipilitan magmature kasi nag-aasawa ng maaga pero madalas, ‘yun nga, medyo delayed. ?

    Hindi mo mapipilit magmature ang isang lalaki, kung anong dapat gawin para magmature ay hindi ko rin alam, hahaha.

    Pero ang alam ko, responsibilidad mo ang buhay mo, neng. So ikaw ang magpakamature. And since responsibilidad mo ang buhay mo, ingatan mo ang sarili mo dahil baka mabuntis ka ng isang immature pang lalaki, magkakaproblema ka. Magfocus ka sa work mo at isipin mo paano ka mas aasenso.

    Enjoy your life and your youth, 25 ka ngayon. Before you know it 30 ka na. So ano na ang nagawa mo o na-accomplish mo para sa sarili mo?

    Hindi na importante magmature man si boyfriend or hindi dahil tingin ko hindi pa naman ‘yan ang forever mo. Bata ka pa, you have all the chances to find and meet someone “mature” enough to match your own maturity. Only if you stop hanging out and sleeping with your ex.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.