What Doesn't Kill You Makes You Stronger
X

CHLOE'S INBOX

What Doesn’t Kill You Makes You Stronger

September 4, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHAT-DOESN'T-KILL-YOU-MAKES-YOU-STRONGER

    Hi DJ Chloe,

    Call me Mariel (not my real name) na lang po, 23. Hindi ko po kasi alam saan magsend ng message kaya dito na lang po ako sa messenger magsulat sa inyo. Pito po kaming magkakapatid. Tatlo po kaming babae. Sa’min pong tatlo ako po ang bunso. Gusto ko lang po humingi ng advice. I’m just tired and sick na po sa mga ugali ng dalawa kong ate. ‘Pag nag-aaway po kami ng isa kong ate magsusumbong siya dun sa isa ko pong ate. Ganun din ‘yung isa ko pong ate. Kaya ang nangyayari pinagtutulungan po nila ‘kong dalawa. Pinagchi-chismisan pa po nila ako. Madalas namin pag-awayan ‘yung mga bagay na hinihingi nila minsan na ‘di ko mabigay kaya ganun sila. Sabi nila imposible po ako mawalan ng pera dahil nasa abroad ang asawa ko. Pero hindi po nila alam kung ano po pinagdadaanan namin sa dami namin na dapat bayaran. My husband po naman napakabait din po dahil kung ano din po hingin nila hindi nagdadamot. Wala po akong problema sa asawa ko. Sa mga kapatid ko lang po talaga. Nahihirapan na po ako at nagsasawa na. Madalas po kami nag-aaway-away dahil po sa ugali nila. Pero ‘di ko na po alam ano po ang dapat kong gawin. May tatay po ako pero hindi niya po kaya pagsabihan ‘yung dalawa kasi po parang takot siya na soplahin ng dalawa kong ate. Nagagalit na po ang asawa ko sa mga ginagawa nila sa’kin. Pag nangutang sila na ‘di mo napautang dahil may tindahan po ako na maliit lang po, nagagalit po sila. Madalas po umiiyak po ako sa sama ng loob. Naisip ko kahit kapatid ko binabagsak ako, binaback stabber ka pa, napakasakit po. Kasi isipin niyo family is family pero kahit kailan ‘di naging kapatid turing nila sa’kin sa mga salita nila. Minsan naiisip ko pamilya po ba talaga kami? Kahit na may kanya-kanyan kaming mga asawa at pamilya na? Sabi pa nila hindi na sila bibili dito. Dahil kung hindi daw dahil sa kanila hindi daw mabibili ang paninda ko na hindi naman totoo dahil hindi naman sila lang bumibili dito. Sabi pa ng ate ko na isa hindi nga daw po ako magtitinda kundi dahil sa mga pang-iinsulto nilang dalawa sa’kin . Like W**. Proud ka pa na iniinsulto mo kapatid mo, na nagbabantay sa mga anak mo habang nag bibingo ka? Napakasama po ng ugali talaga. Tama po kayo. Iniinsulto po nila ko. Napakarami sobra. Na ‘pag naalala ko napapaluha at the same time po, nalulungkot. Hindi ko naman po kasi deserve na ma-ganito ako. Sa pagkakaalam ko po mabuti na tao po ako sa pamilya ko. Alam po ng Diyos ‘yan, DJ Chloe. Sabi ng husbad ko po mas sila daw po ang dapat insultuhin dahil sa ugali nilang hindi kanais nais. Naiiyak na lang po ako. Hindi ko alam bakit sila ganon. Hindi naman po ako ibang tao. Kanina lang po ‘yung nagkasagutan kami. Bilib lang po kasi ako sa ugali nila. Lahat na po ng pagbibigay binibigay ko sa kanila. Hiram ng DVD, USB, makikonek ng WiFi, utang ng pera. Lahat na. Pero parang hindi nila pinahalagahan. Hindi po ako nanunumbat, DJ Chloe. Sinasabi ko lang po ‘yung mga kabutihang nagagawa ko sa kanila. Pero bulag po sila. Nakakalungkot lang po talaga sa dami po ng kabutihan ko sa kanila mas nakikita pa din nila ‘yung mga bagay na hindi ko maibigay sa kanila minsan. Napakamapagbigay ko po. Kaso nagpaabuso po ata ‘ko kaya po siguro inaabuso na po ako. Ngayon hindi na po sila tumatanggap ng wala. Sana po bigyan niyo po ako ng advice. Maraming salamat po, DJ Chloe.

    Mariel

    Hi Mariel,

    Alam mo kasi maraming tao na akalanila pag-abroad, mapera, mayaman. Maaring oo, pero ang hindi nila naiiisip, dollars nga sahod mo, dollars din ang gastos mo sa abroad. Plus, padala sa pamilya. Ilan anak niyo? Siguro nag-aabot pa si husband sa magulang niya. Ikaw ang nakakaunawa, ikaw na lang umintindi o magpasensya. Wala naman actually silang epekto sa’yo kung wala kang reaksyon sa mga sinasabi at ginagawa nila. What they do and what they say won’t have any power without any reaction from you. Gusto mo ng peace of mind? Manirahan ka ng malayo sa kanila. Maliban sa ‘di ka mauutangan sa tindahan ‘di ka rin mahihiraman. ‘Di ka maiiismiran o ‘di ka mapupulaan. Kung ‘di pwede, dedma ‘yun lang ang pwede mong gawin talaga. If you react they will react and it will be a senseless chain of reactions and arguments and it won’t stop. So do not accept their invitation for anything that’s not worth your while. Do not react don’t say anything. Titigil din ‘yan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.