CHLOE'S INBOX
Don’t Be Blinded By Love
September 8, 2016
-


Hi DJ Chloe,
Gusto ko lang po sana humingi ng advace. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Labs. 22 years old na po ako. Ganito po kasi ‘yun. May boyfriend po ako. Siya po ay 28 years old. Meron na po siyang dalawang anak sa una niyang kinasama. Tanggap ko naman po ‘yung mga bata. ‘Yung kinakasama po niya dun pa din nakatira sa bahay nila. At kami naman po magksamang nangungupahan. In short live-in po kami. Hindi po sila kasal nu’ng una niyang kinasama. Ngayon ang problema ko po buntis po ‘yung girl at ‘yung boyfriend ko po ‘yung ama.
Way back May2016 may nangyari po sa kanila dahil lasing na lasing daw po siya. (Hindi pa po kami nagsasama niyan. June2016 po kami nagsama sa iisang bahay). Ngayon nitong August ko lang po nalaman ang lahat. Nahuli ko po siya at pinaamin ko kung ano ba talaga ang totoo at confirm, buntis nga ‘yung girl. Ang sakit-sakit po, DJ Chloe. Nu’ng nalaman ko ‘yan nadurog po ako ng pino.
Araw-araw ko po naiisip ‘yung nangyari pero tinanggap ko pa din po ‘yung boyfriend ko magkasama pa din po kami. ‘Yung girl naman po tinutulungn namin sa pampacheck-up ako po ‘yung sumasama sa kanya. Nagkasundo naman po kami sa mga responsibilities ng boyfriend ko sa mga bata. At okay naman po kami din. Ang sakit lang ‘yung dinadala niya po ngayon hindi ko matanggap kasi para sa’kin bunga po ‘yun ng kataksilan niya sa’kin. Ano po bang dapat kong gawin. Mahal na mahal ko po ‘yung boyfriend ko at alam ko din naman po na mahal niya ako. Araw-araw nakikita ko sa kanya ‘yung pagsisisi sa ginawa niya sa’kin. Dapat ko pa din po bang ituloy ‘yung relasyon namin o mg let go na po ako? Gulong gulo n po tlaga ako. Maraming salamat po. Sana po matulungan nyo po ako.
Labs
Dear Labs,
Sumakit bangs ko sa’yo. I don’t know–is this is real or this is teleserye?
Ano ba? What then is acceptable and not acceptable now to you?
Regardless if he was dead drunk or not, he did it again with the ex and now she is pregnant. So pa’no? ‘Pag nalasing ulit at nabuntis ulit si ex, okay pa din sa’yo? I understand there’s just too much mad love you feel for him pero por Diyos por santo naman, ineng! Iba ang nagmamahal sa nagpapakatanga. Ibang-iba!
At kasama ka pa sa ‘pagpapa-check-up? So ano kayo? Ulirang model of a dysfunctional family?
Ewan ko. ‘Di ko alam ano dapat kong ipayo sa’yo. Kasi alam ko, ‘di mo rin naman gagawin eh. Kasi lulong ka sa lalaki mo.
l just hope and pray, mauntog ka na lang one of these days at ikaw mismo ang kusang hayaan na sila. Dahil mukha namang ikaw ang malaking hadlang sa kanila. Hayaan mo na lang sana silang bumuo ng pamilya nila kasi ‘yun din naman ginagawa nila eh, ‘di ba? Kahit nandiyan ka? Ano ka ba? Ano bang papel mo sa kanila? ‘Di mo ‘yan kinakadakila, ate, ‘yang ginagawa mong ‘yan!


-
COMMENTS














