You Don't Deserve To Have Less
X

CHLOE'S INBOX

You Don’t Deserve To Have Less

October 8, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-you-dont-deserve-to-have-less

    Dear DJ Chloe,

    Sumulat na po ako noon. Madami namang better changes/effort from him. Masasabi ko nasa akin na ang attention niya. May tim, ganoon. Two weeks ago, nakita ko may dating app pala sa phone niya. Dati ‘di ko naman nakikita ‘yun. Sinabi ko sa kanya ‘yun, sabi niya matagal na daw ‘yun nandun. ‘Di ko lang daw nakikita. ‘Di naman ako naniwala. So nireset ko ‘yung pwede sa email na nakalogin dun sa app habang tulog siya. Three emails meron siya. ‘Yung lagi niyang gamit, ‘di ‘yun ‘yung registered. Tsaka nab-browse ko ‘yung email na ‘yun, wala namang iba. Ayun na nga. Nakapag log in ako sa email na isa. Last gamit niya sa app na ‘yun, July lang. Eh 1st anniversary namin ‘yun. Nawindang ako. ‘Di ako makapaniwala. O sige, okay lang sana kung naglogin. Eh nakikita ko sa activity logs, nagb-browse at nagl-like ng mga profile ng girls. Grabe. Tapos nagme-message pa. Sabi niya lang naman dun, kamusta. ‘Yun lang. Walang mga kalaswaan. Gusto ko sanang kalimutan na lang at gawin ang lahat para ‘di na siya maghanap ng iba. He’s 40. Ako 28. Nu’ng na-open up ko ‘yung app na y’un sa kanya at pinapaamin siya kung nagch-cheat siya sa’kin. Sabi niya, ‘di niya daw sasayangin ‘yung more than a year namin. Kesyo mahirap na daw makahap ng babaeng makakasundo niya. Kaya naniwla ako noon at ‘di na naghalungkay pa. Lately ko na lang ginagawa ‘yung pag-access dun sa e-mail. Ngayon ‘di ko na alam pa. Pero kung magkasama kami, okay naman siya. ‘Di ko maiisip na magagawa niyang tumingin pa ng iba. At tsaka po pala DJ, alam ko na password niya sa Facebook pero ‘di niya alam. Nabasa ko sa messages noon, tinanong siya kung may jowa siya, sabi niya wala talaga. ‘Yung ibang messages naman ‘di niya sinasagot o sinsabi na may jowa siya. May papakilala daw, hiningi niya picture ng ipakikilala. Grabe talaga. Masakit palang i-deny. Matagal na ‘yun, September last year. Pero nabasa ko ‘yung message from his cousin, kung ako na daw ba ‘yung wife to be, sabi niya, hoping. Mga May lang ‘yun. Ang ‘di ko lang matanggap ‘yung gumamit siya ng dating app, magmessage sa mga girls at magbrowse. ‘Di pa ba siya kontento sa’kin or ganun talaga ang guys? Sinagot ko siya kasi kala ko done na siya sa ganung age (sinasabi niya naman din ‘yun, na sawa na siya sa ganung stage). Nabasa ko nga lahat ng Facebook messages niya, kahit may girlfriend na siya noon, nakikipaglandian pa din siya sa iba. Grabe. Takot ako baka gawin niya din o ginagawa niya na sa’kin ‘yun. Please, help DJ. Gulong-gulo na talaga ako. Thank you. More power.

    Kim

    Dear Kim,

    Iba ang sinasabi niya sa’yo, iba sa cousin mo, which only shows what? Wala siyang consistency, ‘di ba?

    If he tells you this, “sabi niya, ‘di niya daw sasayangin ‘yung more than a year namin. Kesyo mahirap na daw makahap ng babaeng makakasundo niya.”

    Then why is he saying this to his cousin ” kung ako na daw ba ‘yung wife to be, sabi niya, hoping. Mga May lang ‘yun.”

    If he is telling you that it’s hard to find someone like you and that hindi niya sasayangin ang one year niyo bakit hindi ‘yun ang sabihin niya sa iba? Mahirap kasing sabihin ang hindi naman talaga nararamdaman.

    Ang ‘di mo matanggap panay pa landi niya using other apps? Kung ganun talaga ang mga guys? Hindi naman lahat, merong magaling magtago. Merong hindi kasi walang panahon at totoong nagmamahal at faithful even when you’re not around. Merong likas na nuknukan talaga ng landi at naugatan na ang pagkahokage (tama ba?).

    Isang app lang yata ang nalaman mo? What about the others you don’t know? Hindi malayong ginagawa niya rin sa’yo ang mga ginawa niya sa iba. I don’t know about you but if I am in your situation, what do I have to lose if I’m 28? Bata ka pa, strive to be better, work hard and save and travel. Don’t waste your precious time on a man who don’t see your worth. The world is full of men like that. Find and wait for the man who is proud to say you’re the one he loves and wants to spend the rest of his life with, with all conviction. To anyone who asks him and not someone who is 40 and will answer by saying “hoping” leave him and tell him to hope all his life!

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.