Don't forget your parents but don't forget your retirement too
X

CHLOE'S INBOX

Don’t forget your parents but don’t forget your retirement too

October 29, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DON'T-FOGET-THE-PARENTS-BUT-DON'T-FORGET-YOUR-RETIREMENT-TOO

    Hi DJ Chloe,

    I’m an avid follower of your inbox. And one time nakarelate ako sa letter sender. Tungkol ito sa father in-law niya na umuutang sa kanila ng asawa niya. Well, mine is a different story naman. I’ve been married for more than five (5) years already and until now wala kaming ipon at wala pa din kaming sarili naming bahay na matatawag na amin talaga because my husband is supporting his parents. Nu’ng una okay lang, kaso DJ Chloe habang tumatagal medyo nabibigatan na din ako kasi may mga bagay na hindi naming maafford na kaya naman sana kaso hindi dahil kailangan naming bigyan ang parents niya. Minsan naaawa ako sa mga anak ko dahil sila ang ‘di namin mabigyan ng minsan ay gusto din sana nila dahil nga sakto lang ang lahat. Medyo nagiging resentful na ako minsan. Tama ba ang nararamdaman ko, DJ Chloe? Kasi my parents are nothing like my in-laws, I must say nakapagprepare ang mga magulang ko. Pasensya na kung tunog madamot ako, but that’s how I feel right now, na nagdadamot ako.

    Anonymous Sender

    Hi dear!

    Well, isa lang ang nakikitang solusyon, magsumikap kayong mag-asawa ng bongga para maging sobra ang sakto lang. Kasi hindi mo pwedeng sabihin sa asawa mo na ‘wag na magbigay, magulang niya ‘yan eh. Nandun na tayo na hindi niyo na sila obligasyon at ang mga anak niyo na ang dapat niyong unahin but very few people understand that. Hindi lahat ng magulang ganyan mag-isip. May mga tao na ang notion nila dahil pinag-aral nila ang mga anak nila sa pagtanda nila mga anak naman ang bahala sa kanila. Hindi siguro nila naiisip na pagkakataon naman ng mga anak nila na mag pamilya at unahin ang sariling pamilya. Kung mag-abot at magbigay salamat, pero kung hindi okay lang kasi nga may pamilya na rin. Kaya nga ang old age pinaghahandaan at nagsisismula tayong maghanda sa pagtanda ngayon na tayo ay bata pa at nagta-trabaho pa at kayang mag-ipon. Kaya ‘yun lang ang pwedeng gawin magsumikap umasenso, and on your part kung kumikita ka, tago ka ng pera for yourself. Save for your retirement as well. Hindi nagbabago ang gastusin sa pagtanda, we still eat, pay the bills and this time around may medications pa. Pinaghahandaan ang pagtanda.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.