Don't make decisions when you're mad
X

CHLOE'S INBOX

Don’t make decisions when you’re mad

January 29, 2019

  • DISCLAIMER: The content below may consist of ideas and subject matters suited only for adult audiences. Audience below 18 is advised to view this content under adult supervision.

    EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DON'T-MAKE-DECISIONS-WHEN-YOU'RE-MAD

    Dear Chloe,

    Tago niyo na lang po ako sa pangalang Mico. Sa kasalukuyan po ay nasa kolehiyo na ko. Ako po ‘yung tipo na estudyante na go with the flow lang, hindi pala aral tulad ng iba at medyo mabarkada. Pagnagyayaya ang mga tropa na classmates, sige lang ako at sumasama ‘ko kahit pa may klase. Inuman, diyan kami nagkakaintindihan ng mga kaklase ko. Inuman dito, inuman doon, ‘yan ang ginagawa naming magto-tropa. Isang araw niyaya ako ng mga kaklase ko na uminom sa kilalang gimikan sa Taft at pumayag naman ako. Doon ko nakilala si Ann, taga ibang school. Nagustuhan ko siya, niligawan at naging girlfriend. Tumagal rin ng six (6) months ang relasyon naming. Tutol ang mga tropa ko sa relasyon namin dahil daw sa hindi maganda na reputasyon ng girlfriend ko na marami na daw dumaan na lalaki sa kanya. Pero tinanggap at minahal ko siya kahit ano pa man ang nakaraan niya. Tinalikuran ko ang mga kaklase ko dahil sa panghuhusga nila sa aming relasyon at para na rin magbago, makaiwas sa pag-gimik. Pinilit naming magpakatatag para sa relasyon namin at kahit paano naman ay naging okay naman kami. Dumating ang araw na hindi na lang niya ‘ko tinext, ‘di na siya nagpaparamdam at binlock na lang niya ko sa Facebook. Pinuntahan ko siya sa school niya, sa mga tropa niya, at sa bahay nila pero wala rin akong napala. Hindi ko alam kung bakit niya ‘ko iniwan. Hanggang isang araw sinabi na lang ng isa kong tropa na may bago na daw boyfriend si Ann, at nakita niya itong dalawa sa gimikan. Sobra ‘kong nasaktan, kinalimutan ko mga tropa ko at binago ko sarili ko para sa kanya tapos sasaktan niya lang ako. Tama pala ang mga tropa ko, sana nakinig na lang ako sa kanila. May aamin po ako DJ Chloe, mayroon po akong apat (4) na videos ng mga intimate moments naming dalawa ni Ann. Pumapayag po siyang kuhanan ko siya ng video dahil tiwala naman daw siya sa akin at naeenjoy naman daw niya. Ngayon, plano ko sanang ilabas at ikalat ‘tong videos namin para maramdama din niya ‘yung sakit na ginawa niya sa akin at para makaganti ako sa ginawa niya sa akin. Alam kong mali pero gulong-gulo na ‘ko, pakiramdam ko mawawala lang ‘yung sakit pagnakaganti na ‘ko sa kanya. Sana po ‘wag niyo akong husgahan at sana po matulungan niyo ko sa sitwasyon ko.

    Mico

    Hi Mico,

    ‘Yan ang ‘wag na ‘wag mong gagawin. Do not make any decisions when you’re mad, do not make any promises when you’re happy. ‘Yan ang mga bagay na tatandaan mo. Breathe in, breathe out muna, and pause. Alam mo, masakit talaga ang maloko, pero naloko ka nga ba? Bakit hindi mo muna alamin ang totoo? Why not try to find out the truth for yourself? Mahirap din ‘yung sinabi lang sa’yo, maganda ‘yung ikaw mismo nakakita at sa kanya mo mismo narinig ang totoo. Tandaan mo ‘di nila gusto ang girlfriend mo para sa’yo, baka lang…. sinisiraan nila ito. It would save you from further trouble and pain if you will go out and find her and talk to her before doing anything. Hindi rin maganda ang plano mong gawin, baka mademanda ka pa pagginawa mo ‘yan, masira ang buhay niya pati na rin buhay mo. Be mature and man enough to handle what you feel.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.