CHLOE'S INBOX
Don’t settle for anyone because you are pressured
November 7, 2018
-


Hi DJ Chloe,
The other day may sender ka, ‘yung pressured na mag-asawa. I was once like her kasi at 35 single pa ako. In short, nagmadali ako. I met this guy na supplier ng company namin, we went out a few times, naging kami and eventually naging asawa ko siya. I must admit ‘di ko siya ganun kakilala, hindi ko rin kinilala ng husto. Too late when I came to know the real him, mabisyo, at 40 mabarkada pa. He is also the kind of man na ‘pagpera niya, pera niya lang. Mahirap na mag-elaborate pa about this kasi pinalaki ako ng mga magulang ko na ang pera daw hindi dapat pinag-aawayan, sana. Pero malaking factor siya sa buhay ng mag-asawa, it may not be all but it’s a part of it talaga. So ano lang masasabi ko? Sa mga nagmamadali, wala kayong mapapala sa pagmamadali. Enjoy your being single, get a pet, a dog kung nalulungkot. But don’t just settle for anyone. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.
May
Hi May!!
Well said. Ano pa ba pwede kong idagdag? I guess eh, wala na. I hope this can be an eye-opener sa mga nape-pressure nang mag-asawa. Marriage is not for the faint hearted indeed.
-
COMMENTS














