Endings Are Beautiful Too
X

CHLOE'S INBOX

Endings Are Beautiful Too

January 19, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---ENDINGS-ARE-BEAUTIFUL-TOO

    Good day to you, DJ Chloe!

    I’m an avid listener of yours pero mas adik pa ata ang father ko sa Easy Rock kesa sa’kin.
    Palagi kasi siya nakikinig sa station niyo.

    Just call me Avie and dummy account ko lang po ito. May tanong lang po ako sa inyo, DJ Chloe. Ano po bang character ng isang babae na kaiwan-iwanan po?

    I’ve been in a relationship for five years. And nagsama po kami ng partner ko for four years. S’yempre po lahat naman ata ng relasyon masaya sa una. Masasabi ko pong mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Sa una syempre okay pa ang lahat. Madami pang pondo ng pagmamahal para sa isa’t-isa—ng pang-unawa, ng pag-iintindi, at pasensya. Madami din po kaming napagdaanang pagsubok. Nawalan din po kami ng anak, ‘yung first born po namin. Pero lahat po ng pagsubok na ‘yun nalampasan po namin ng magkasama. At madami pa pong dumating pero lahat po nakaya po namin sa tulong ng Panginoon at ng pamilya po namin. Akala ko po matibay na ‘yung pundasyon namin. Akala ko kahit ano pang mangyari walang iwanang mangyari.

    Madami po nagsasabi sa’kin na swerte daw po ako sa kanya kasi napakabait daw po niya. Napakasipag, walang bisyo, magalang, at marunong makisama. Hanggang sa nabuntis po ako ulit. Finally, binigyan kami ulit na matagal na naming pinananabikan. Pero isang araw nagising na lang ako nagpapaalam na siya. I was five months pregnant then. Umuwi po siya sa kanila sa probinsya. Pero bago po ‘yun nag-away kami kasi gusto niya na umalis sa work niya. Nakiusap ako na ‘wag na muna kasi buntis ako. Pro he insisted. Kasi nase-stress na daw siya sa mga ka-work niya. Napakamahiyain niya po kasi sobra. May makita lang po siya na nag-uusap akala niya o iniisip niya agad na siya yung pinag-uusapan.

    At ‘yun nga po nag-away kami dahil aalis na dw siya sa work niya. Tapos sa sobrang galit ko po dahil hindi niya ako maintindihan. Nasabi ko po na maghiwalay na lang kami. At umuwi na siya sa kanila. Kasi dito po kami sa side ko nakapisan. Opo, aaminin ko may pgkanagger ako. Minsan nabubungangaan ko talaga siya lalo na pag hindi siya marunong magtipid.

    At ‘yun po umuwi siya sa kanila. Pero nagkaayos naman po kami bago siya umalis at pumayag na din ako na magresign siya kasi wala naman po ako mgagawa kung ayaw niya na sa work niya. Sabi ko din na ‘wag na siya umuwi at apply na lang siya sa iba. Pero sab niya uuwi muna siya at tutulong sa bukid para kahit papano kikita pa din siya. Pero nu’ng nasa byahe na po siya dun po niya ‘ko binigla. Sabi niya sa text na hindi na daw niya ‘ko babalikan. Mgpapadala na lang daw po siya para sa anak namin. Sobra po akong nanlumo. Oo, nasabi ko na maghiwalay na lang kami pero alam niya naman na nasabi ko lang ‘yun dahil galit ako. Tanong ko lang po, DJ Chole. Kasalanan ko po ba kung bakit siya lumayo? Nagkulang po ba ‘ko? At kung ang dahilan po ay ang pagkanagger ko, enough reason na po ba ‘yun para iwan ako nu’ng kasalukuyan pa ‘kong buntis? Ngayon po nanganak na ‘ko. Pero ganun pa din po siya. Nagmakaawa na po ako sa kanya nun na ayusin pamilya namin. Na ayusin relasyon namin para sa bata pero binablock niya po ako. Pinapatayan ng cellphone pag tumatawag ako at sinasabi niya na tigilan ko na siya. Hind ko na po alam gagawin ko. Tuluyan ko na po ba siyang isusuko? Palagi po sinasabi sa’kn ng family niya na ‘wag ko siyang isuko kasi mukha daw po siyang depress kaya siya ganun. Pero hirap na hirap na po ako. Mag-iisang taon na po siyang walang pakialam sa’kin. Makaalala man siya sobrang dalang. At hindi ko na po maramdaman ‘yung dating pagmamahal niya sa’kn.

    Salamat po, DJ Chloe. Sana po mapayuhan ninyo ako. Pasensya na po napahaba.

    Avie

    Hi Avie,

    Maybe he is depressed. Maybe he’s had enough of your nagging. Maybe, maybe, you can only assume.

    Sino ba ang hindi nagger? Hahahaha! Tatalakan ba kung walang dapat italak? May mga babae rin naman na tahimik pero iniiwan pa rin.

    Maybe it is also your fault kaya iniwan ka niya, maybe not because AYAW NIYA NA TALAGA.
    That’s the difference between a man and a woman, tayo madalas na aareglo. But if a man doesn’t want you anymore, nothing can change his mind, see? Not even having a chill with you.

    Ganito na lang, if you want to know the truth, go to the province and fetch him. Yes, sunduin mo, para makita mo rin at malaman ano ang totoo. ‘Pag hindi sumama sa’yo, then it’s time that you start accepting the fact that you will be raising the kid alone.

    Raising your kid alone will take so much of your time and energy that believe me, in time you will forget and will be able to move on.
    Ikaw ba kaya mo pa bang makisama sa isang taong alam mong anytime pwede ka uling iwanan sa ere?

    Nagpapalaki ka na at nagpapakaina ka na sa anak mo nangangamba ka pang lalayasan ka na naman.

    Dear, we can only do so much, pagmabigat na ang lahat ng karga, bitawan mo na ang iba.

    As I’ve said, go and see for yourself. ‘Pag ‘di sumama sa’yo, then let him be. YOU HAVE A CHILD NOW. Malaki na ‘yang tatay ng anak mo. Anak mo ba malaki na?

    Sabi mo nga mag-iisang taon ng walang pakialam sayo in spite and despite of having a child with you. Why not do the same at pakialaman mo na lang ang buhay niyo ng anak mo?
    Don’t worry, you will get by, hindi lang ikaw ang ganyan ang sitwasyon. Ang dami ng nauna sa’yo. Kasama na ako dun.

    Sabi nga the other day nu’ng isang nagcomment sa inbox ko. WAG NATING IPILIT ANG SARILI NATIN SA AYAW SA ATIN.
    May anak ka na, let your world revolve around your kid. Yaan mo ama niya magpakapraning, pagsisisihan niya rin ‘yang ginawa niya sa’yo at sa anak mo balang araw. Dinig ng langit ang iyak ng sanggol na iniwan ng ama, dami ko ng nakita na gumawa ng ganyan, na walang nangyari sa buhay, you know…karma.

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.