CHLOE'S INBOX
Enjoy Singleness!
August 17, 2017
-


Hi DJ Chloe,
I’m one of your avid followers and listeners din. And just like the others gusto ko rin magtake ng advice. Please hide my identity too.
Just call me Anne, 30. Never had a boyfriend ever since the world began. And I always wonder why. Sabi nila “think positive” ganyan, ganyan. Truth is tinulungan ko sarili ko, nagpaganda ako and ‘pag tumitingin ako sa mirror lagi kong sinasabing, “I’m alive, alert, awake, enthusiastic, I am pretty and happy.” Through the years ginawa ko ‘yan. Nakimingle ako. Nice namn ako. Bumili pa nga ko ng libro. Until such na nanawa na ‘ko. Na bakit lahat sa’kin mahirap? Ang hirap maghanp ng trabaho. Positibo naman akong tao, masyahin. Pero bakit walang makakita. Sabi nila “have faith,” “just keep swimming,” “baka ‘di mo pa time.” Hindi ko na nga siya hinanap eh. Pero napagod na kasi ako. Naiinggit ako sa mga may pamilya na. Hindi na nga ‘ko nagfe-Facebook kasi naiinggit ako kahit ayoko kasi sa panahon natin ngayon kahit ata successful ka kung wala kang pamilya, wala ka. Olats ka. Sa totoo lang, DJ Chloe, ginawa ko lahat para tulungan sarili ko. As in lahat. Hanggang sa ako mismo naawa na lang ako sa sarili ko pero sabi ko hindi pwede. Kaya ‘yung lungkot ko binaling ko sa pagtulong sa mga homeless, sa charity.
Nagpaka-active ako sa church. Kasi naniniwala ako sa may panahon para sa lahat. Pero darating ka pala sa puntong kahit anong gawin mo, ang sakit-sakit. Ang hirap, na kahit ‘til now wala pa rin makakita sa’kin. Minsan kinekwestyon ko na sarili ko ,pangit ba ‘ko? Bakit? Masama ba ugali ko? Kaya natatanong ko si God ano bang ginawa kong kasalanan para ganito lang maging buhay ko? Gumising na lang ako isang araw na parang kailangan ko lang magtrabaho kasi kailangan kong mabuhay. Ngayon, ayoko nang maniwala kay faith kasi all throughout kumapit ako dun pero false hope lang nakuha ko. I know iisipin ng iba, ang babaw ko pero para sa taong nabully, pinilit buuhin sarili, naghahangad lang naman ako na may makakita sa’kin. ‘Yung sa edad kong ‘to maranasana ko ‘yung greatest love na binigay ni Lord. ‘Yung magmahal at mahalin. ‘Yung makakita ako ng mini-me ko. Ayun lang, DJ Chloe, sensya na baka mababaw lang ‘to kumpara sa iba pero kase I’m starting to lose myself. And my faith. Thank you and I’ll wait for your enlightenment.
Hi.
Alam mo, Anne. Kung alam ko lang saan may speed dating sasabihin ko sa’yo.
Ang hirap para sa akin actually na magbigay ng payo or to even comfort you. Kasi hindi ko alam ano ang pakiramdam ng NBSB.
Gusto mo ba ibigay ko details mo sa mga single din na tulad ni Mr. March?
Sorry ha, kung wala akong maipapayo. Pero alam mo, maswerte ka pa rin, kasi wala kang problemang tulad ng iba.
Sarili mo lang iniintindi mo at wala kang obligasyon tulad ng obligasyon ng ibang tao. Ang magpalaki at buhayin ang mga anak, pag-aralin sila, pakainin sila, maibigay kahit paano ang mga bagay na gusto nila, mapalaki sila ng maayos at hindi maging problema ng lipunan.
Wala kang problemang tulad ng mga babaeng may babaerong asawa, tulad ng mga sumusulat sa’kin sa inbox.
Pero malay mo, Anne. Wala dito ang kapalaran mo. Malay mo, foreigner pala nakalaan sa’yo. Naisip mo na ba ‘yun? J
There is nothing wrong with you, Anne, okay? Just because you don’t have a boyfriend ay merong problema na sa’yo. Maybe you yourself don’t see your worth that’s why no one sees it too?
In the eyes of God, you are special. And seriously, it should be your identity to Christ that should matter. How God sees you, your heart.
Don’t just pray for a boyfriend or for a husband just because you want one. Pray for a good man. There are millions of people, men in this world but a good man is God-given.
If you believe, nagawa mo na lahat at wala pa ring nakakapansin sa’yo. Baka kailangan pansinin mo muna ang sarili mo bago ka mapansin ng iba.
In short, don’t do things to get the attention of people. Do things because it pleases you and because it makes you a better person.


-
COMMENTS














