To every mom, her son's happiness is what matters
X

CHLOE'S INBOX

To every mom, her son’s happiness is what matters

June 20, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---TO-EVERY-MOM-HER-SONS-HAPPINESS-IS-WHAT-MATTERS

    Hi po DJ Chloe,

    Meron po sana akong gustong ihingi ng advice.

    About po ito sa panganay kong anak na lalaki, who will turn 14 this year. Ganito po kasi ‘yun, dalawa lang po anak ko, isang babae at isang lalaki, at wala na po akong balak dagdagan pa. What happened is last week po nagkaroon ako ng access sa phone nya, Naisipan ko pong basahin ang laman ng messenger niya at kung sino mga nakakausap niya dito, doon ko po naconfirm na bakla po siya at nagkakagusto na po siya sa isang lalaki, schoolmate po niya. Ang hindi ko po matanggap, nagchachat po sya dun sa guy pero ung guy, hindi siya pinapansin, pero chat pa rin po siya ng chat. Naawa po ako sa magiging future ng anak ko kapag naging bakla siya.

    In the first place po, hindi po talaga ako payag na maging bakla siya. May mga times po na nasosobrahan siya sa daldal tapos bigla ko po siya natatanong kung bakla siya, sabi po niya hindi daw po siya bakla. Tuwing ganun po ang nangyayari, nagiging kampante ako na may pag-asa pa siya, na pwede pang magbago ang nararamdaman niya. Kaya lang po simula noong mabasa ko lahat ng mga convo sa messenger niya, doon ko na po naconfirm lahat.

    Mahirap po para sa akin na tanggapin na magiging bakla ang unico hijo ko. Unang-una po ayoko po siya mabully ng kaniyang henerasyon. Pangalawa, ayoko po na maging bigo lagi sya sa pag-ibig. Been living in this planet for 34 years and based on my observation, wala pong happy ending sa pakikipagrelasyon ng mga bakla, wala po sa kanila ang tumatagal. Sa panahon ng mga bakla nagyon, mas tumatagal ang pakikipagrelasyon sa kapwa nila bakla, pero ‘yung bakla sa isang straight guy, sobrang malabo po na magseryoso ‘yung straight guy.

    Ngayon po, hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko, although alam naman po niya na ayoko na maging bakla siya. Pero kung ‘yun po talaga ang nararamdaman niya, hindi ko naman po siya mapipigilan, ‘di ba? Hindi ko po alam kung paano sasabihin sa kanya na malungkot ang future na pipiliin niya. Na lolokohin lang siya at sasaktan ng mga straight guy na gugustuhin niya.

    Hindi ko po alam kung habang bata pa lang siya, kontrahin ko na or hayaan ko na lang siya sa gusto niya?

    Thanks po sa advice.

    Hi Mommy!

    I cannot blame you for meddling with his phone. It’s wrong but as parents, I understand where you’re coming from. I did the same thing too when my daughter was having a hard time.

    Una, why not wait ’till he comes out and tell you. It’s hard to make assumptions kahit may ebidensya ka na.

    May kilala ako, nagcrossdress pa back in high school, pagcollege nagkagirlfriend, eventually nag-asawa.

    Totoo, maaring para sa atin malungkot ang future na pipiliin niya, but there are things we cannot prevent eh. We need to allow our kids to learn from their choices. One thing we can always do is to guide them and never cease from reminding them that no matter what happens, we are here to love them and accept them for who they are.

    You know cliche as it may seem, only God can turn things around, pray for what is BEST for your son not for what you WANT for him.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.