CHLOE'S INBOX
Every woman needs to learn how to pick herself up
April 24, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Hindi po kami kasal ng papa ng anak ‘ko. Nagsama kami for 12 years. May nakilala po siyang girl dun sa work na pinasukan niya. Ang sabi niya sa’kin hayaan ko lang siya, ginawa ko naman po. Hanggang lagi na po siyang nagagalit sa’kin kahit sa kaunting bagay. Ang nakakainis lang po kasi, DJ Chloe, ipagpapalit ka na lang po kasi sa may anak din po, dalawa pa. Hindi ko naman po p’wede husgahan ang pagkatao ng girl kung bakit at ano ang story niya (girl)? Bakit siya nakipaghiwalay sa aswa niya rin? Dito pa rin kami nagstay sa bahay. ‘Yung father ng baby and ‘yung girl ay nagsasama na ngayon. DJ, mahal ko pa rin siya kahit ganun ang ginawa niya. And wish na sana bumalik siya sa’min at mabuo ulit as family. Sa baby ko ako humuhugot ng lakas. Eight (8) months na po kami separated. Sana DJ Chloe mabigyan mo ako ng advice. Kahit dito na lang po. Salamat po and God bless you po.
Hi Ate,
Wala namang masama kung maghintay ka at umasa, that is your choice. But I do hope na sana habang ginagawa mo ‘yan pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo this time. If you can find work, then start working, for the sake of your child. Pick yourself up and don’t waste your time thinking kung anong nakita niya dun sa isang babae, instead, focus on yourself. Magpaganda, mag-ayos pero ‘wag maghanap ng iba muna, okay? Ipahinga ang puso, magfocus sa anak at magpayaman. Hindi lang tayo nabubuhay para sa mga lalaki. Ang lalaki nandyan lang ‘yan, pag may sarili ka ng kayod at kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa, darating ang tamang tao para sa’yo. For now, love yourself.
-
COMMENTS















