CHLOE'S INBOX
Falling In Love With You Was Out Of My Control
January 11, 2018
-


Hi po, DJ Chloe!
I need some advice. Please hide my identity na lang po. Simple lang naman ang love problem ko. Kasi I think I’m in love. In love po ako sa isang Iglesia Ni Cristo at magkaiba po kami ng religion. Catholic po ako. Alam ko na po una palang na bawal makipagrelasyon sa ibang religion ang INC. Three months ko na po ‘to nararamdaman sa kanya, na mahal ko na siya, na hindi ko kayang sabihin kahit kailan, walang lakas ng loob, duwag. Wala po kasi akong masabi sa ugali na meron siya. Mabait at thoughtful. Gusto ko siya. Gusto kong ipadama sa kanya lahat-lahat ng nasa loob ng puso ko, na hindi ko magawa kasi friends lang kami. Hindi ko po alam ang motibo at nasa sa isip niya ba’t s’ya ganon o sadyang mabait lang talaga siya. Minsan napapaisip na lang ako na baka nag-o-overthink lang ako or nag-aassume. Ayoko po sanang mag-assume talaga na may gusto siya sa’kin, ayokong mag-isip. Pero siya na lang lagi naiisip ko. May times naman po na sobrang nagdadalawang isip ako or tatlo na kung magtatapat ba ‘ko sa kanya para matapos na lahat ng paghihirap ko. Dapat ko pa bang sabihin sa kanya or hahayaan ko na lang ‘tong feelings ko for him at papalipasan ko lang at mananatili na lang siya bilang friend ko? Hanggang dun na lang kami. Natatakot po ako baka umiwas siya sa’kin at ayaw na ayaw ko po mangyari ‘yun. Please help. Thank you po.
Gella
Hi Gella,
Mahirap talaga maging babae, hindi kasi tayo pwedeng mauna. ?
At mahirap din ang sitwasyon mo kasi nga magkaibigan kayo.
Tama ka, mahirap mag-assume, kasi may mga lalaki na sadyang friendly at caring lang talaga sa mga female friends nila, kaya nga may mga babae na naf-fall sa mga kaibigang lalaki lalo pag gentleman ang lalaki.
Pero alam mo, kung gusto ka niyan at mutual ang feelings niyo, magtatapat at magtatapat ‘yan sa’yo, kahit natotorpe siya.
Ikaw din lang naman ang makakagauge kung gusto ka niya talaga or kaibigan lang ang tingin niya sa’yo.
Kung gusto mong makasiguro at masabi ang nararamdaman mo, then you will have to take the risk of losing his friendship, or be taken advantage of.
Time is the best revealer of things. Time will reveal.


-
COMMENTS














