When you feel neglected by the person you love
X

CHLOE'S INBOX

When you feel neglected by the person you love

June 28, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-YOU-FEEL-NEGLECTED-BY-THE-PERSON-YOU-LOVE

    Dear DJ Chloe,

    Gusto ko lang din sana humingi ng advice or words of wisdom. Nabasa ko kasi ang sender na feeling niya walang time sa kanya boyfriend niya. Please hide my identity po. I’m 40 and still single until nadevelop ako sa ka officemate ko na mas bata sa’kin almost half my age. The feeling was mutual naman kaya walang problema. Naglive-in kami and buntis ako. Merong mga maliliit na problema like hindi pa namin pinaalam sa parents niya ang situation namin, for some reason, na sabi nya pag labas na raw ng anak naming. Same with my parents, wala din sila alam. Anyway, I’m old enough naman. Sa office, iilan lang nakakaalam ng pagbubuntis ko pero no one knows sino ang tatay. ‘Di ko pwede sabihin, hindi dahil bawal pero dahil nasa managerial position ako. Ayoko ng bulungan at usapan among my employees. Isa sa gumugulo sa isip ko, bakit ayaw pa niya sabihin sa parents niya ang about sa’min? ‘Di rin pwede sa close friends namin. Plus, pagnauwi siya sa kanila, sa probinsya nila, parang ‘di na kami magkakilala sa dahilan. Never siya tatawag o magtext man lang. Minsan I confronted him at sabi niya, ‘di siya talaga mahilig magtext at tumawag which is true naman kasi pag magkasama kami, lagi lang siya nakikinig sa music or Facebook lang. Seldom he calls home, pero ang punto ko, magkalayo kami eh for quite some time, ‘di ba pwede magkamustahan? ‘Di ko naman hiningi na 24 hours ang usap. Nagtatalo kami pero nagbabati din. Ayoko mag-isip ng masama tulad ng sinasabi ng mga friends ko na secret alam nila ang about sa’min. Pero he never knew na may pinagsabihan ako. Hindi lang talaga sa office. Naiisip ko hayaan ko na lang since ramdam ko naman mahal niya ‘ko. Pero ba’t lagi ko din nararamdaman I feel neglected? Naguguluhan ako. I’m 40 years of age but has limited experience in love. Second boyfriend ko pa lang ang kasama ko ngayon.

    Madam

    Hi Madam,

    I can only see one reason why hindi ka pa niya pinapakilala sa parents niya. Maybe tuma-timing siya kasi baka medyo naiisip niya na may masasabi sa kanya parents niya dahil sa age gap niyo. Kilala mo naman yata ‘yan kasi empleyado mo, ‘di ba? So I’m sure walang asawa ‘yan kasi nasa resume naman ‘yan, unless garapalang i-deny ang pagiging married. That’s the only thing I can think of eh, baka tuma-timing lang siya. Hindi naman base sa age ang maturity dapat pero tingin ko rin, bata pa kasi kaya feeling mo neglected ka, kasi may ibang priorities. Ikaw ang nakatatanda, ikaw ang magpapasensya at iintindi diyan talaga. At his age, half your age kamo kailangan mong habaan ang pisi mo. I really believe we shouldn’t shit where we eat, it leads to confusion and e-coli.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.