CHLOE'S INBOX
Flirting Is Healthy In A Marriage
February 14, 2017
-


Dear DJ Chloe,
As I am writing you this letter, ilang minuto na lang tapos na ang Valentine’s day.
Dapat po ba akong magtampo dahil tulog na ang asawa ko at parang ‘di niya man lang napansin ang bago kong pantulog na see-through na pula at ang mala red velvet na amoy ng aking bagong body spray na binili?
Bakit po kaya may mga lalaking hindi talaga sweet?
Depressed Wife
Hahahahah! Depressed Wife! Sana, ikaw na ang nanggising. :)
Baka naman napagod si Sir sa trapik o kaya sa office.
May mga lalaki talaga sigurong hindi pumapag-ibig ‘pag Valentine’s day, at hindi rin sweet.
Anyways, pwede naman ang post-valentine’s day surprise, ‘di ba? Ano kaya kung mamayang gabi, ‘pagpatulog na kayo eh sayawan mo si kuya? At isuot mo uli ang iyong red lingerie, mag spray ka ulit ng body spray na amoy at lasang red velvet?
‘Pag hindi nagkusa ang asawa mo, wala namang masama kung sa’yo manggagaling ang pagkukusa, ‘di ba? :)
Good luck!
-
COMMENTS















