CHLOE'S INBOX
Focus On What You Have At The Moment
January 26, 2018
-


Dear DJ Chloe,
Isa po ako sa masugid niyong taga subaybay at lagi din po akong nakatututok sa inyong station dahil sobrang ganda ng mga kantang pinatutugtog niyo. Nandito po ako ngayon upang hingin ang inyong payo. Ako po ay may asawa at dalawang anak at almost 20 years na po kaming nagsasama ng aking asawa (opo, nagsasama lang po kami at ‘di kami kasal). Mabait po ang asawa ko. Ni minsan ‘di po niya ako pinagbuhatan ng kamay kahit kami nag-aaway pero away na bihirang mangyari. Mahal na mahal po ako ng asawa ko at gayun din po ako sa kanya. Ang problema ko po ay tungkol sa aking nararamdaman na mahigit 30 years ko ng tinago. Opo, ‘yan ang tungkol sa aking ex-boyfriend. ‘Di ko alam kung bakit hanggang ngayon ‘di ko siya nakakalimutan. May pagkakataon pa na kahit napakatagal na ng panahon na kami ay hiwalay na sadyang nalulungkot pa din ako lalo na’t nakikita ko pa din ang mga larawan nyia sa Facebook. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon naalala ko pa din siya. May mga gabing lagi ko siyang napapanaginipan. At may mga pagkakataong parang gusto kong umiyak dahil nga sa hanggang ngayon nagtatanong pa din ako kung bakit nangyari ‘yun.
Noon pong 2010 muling nagsalubong ang landas namin. ‘Yung mga panahong uso pa ang Yahoo Messenger lagi kami magkausap. Walang oras na malungkot kapag magkausap kami. Dumating na din sa puntong inamin niya sa akin na unti-unti na muling nahuhulog ang loob niya sa akin at nararamdaman niya muli na mahal niya ako ulit. Nu’ng sinabi niya ‘yun, DJ, tuwang-tuwa ako kasi kahit pala matagal na kaming walang komunikasyon muling bumalik ang pagmamahal niya sa akin. Ang akala ko magiging maayos kami uli ngunit ‘di pala tatagal ‘yung pagiging masaya namin dahil sabi niya, “Ayoko gawin kitang kabit. Ayoko na muli magkasala sa’yo dahil sa ginawa ko sa iyo noon. Mahal kita pero mahal ko din ang pamilya ko. Kung ano man ang nangyari sa atin ngayon marahil sinubok lang tayo ng tadhana na pilit pinagtagpo ngunit ‘di na maaring dugtungan ang kahapon minsan na nating kinalmutan. Masakit man sa akin ngayon ang nangyari dahil kahit mahal kitang muli marami tayong taong masasaktan.”
At sinagot ko naman siya na “‘Yung masabi mo lang na minahal mo akong muli gumaan ang pakiramdam ko.. Wala din naman kong planong agawin ka sa pamilya mo dahil tulad mo mahal ko din ang asawa ko.. Siguro nga pinagtagpo lang tayong muli sa maling panahon at sa maling pagkakataon at dahil nga may pamilya tayong andyan para sa atin kaya mas makakabuti na ring hanggang dito na ito matapos.
DJ, ano po ba ang gagawin ko kasi kahit matagal ng panahon ‘di siya maalis sa puso at isipan ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko, walang kwestyon dun. Ang gumugulo lang ay ‘yung kahapon kong pilit na bumabalik.
Salamat po, DJ Chloe. Sana mapansin niyo ang letter ko. Sana po maayos na payo lang ang makuha ko sa mga followers mo. Thank you po uli.
Mumay
Hi Mumay,
Bakit nga ba? Why are you allowing yourself to live in the past? Eh past na ‘yun. See? It’s messing up your future.
Alam mo ang lahat ng mali, kasalanan, nagsisimula sa pagbibigay ng pagkakataon. Sa pagbibigay ng chance.
Binigyan mo ng pagkakataon na kausapin ka, makausap ka, at in-entertain mo ng husto kaya ayan mas lalong binagabag ka.
Unfair din sa asawa mo syempre.
I do not know the science behind not being able to move on from the past, it’s one thing I’m probably gifted of, kahit makasalubong ko ex ko I am 100% sure I will be void of any emotion, once I am done, I am done.
I guess, if you really cannot put the past behind you, then so be it, feel it, think about it, dream about it, relive it in your mind over and over again. Just DON’T DO ANYTHING ABOUT IT.


-
COMMENTS














