CHLOE'S INBOX
Forgive For Yourself Not For Anybody Else
June 3, 2016
-


Hello DJ Chloe,
Like others I want to ask for an advice. Medyo bothered na kasi ako. Call me Lyn, single mom ako. ‘Di ko alam pano sisimulan.
Kababata ko ang tatay ng anak ko. Almost five years ‘yung naging relasyon namin. Second year ng relationship namin ng malaman kong may iba siya, until nabuntis ako. Kinausap ko ‘yung girl sabi ko buntis ako. Sabi niya, ayaw niya, ‘di niya daw kaya. Masakit. Kaya sabi ko na lang, “sige, sa’yo na lang alagaan mo na lang (six months na ang tyan ko noon). Dinala pa nu’ng girl ‘yung ex ko sa province nila kahit alam niyang buntis ako. Lumamig ang sitwasyon sa pamilya ko at sa ex ko hanggang sa nanganak ako. Tinulungan naman ako ng ex ko hanggang six months ang baby namin. Tapos pinastop ko na ‘yung pagdadala niya ng gatas at diaper kasi alam ko nahihirapan na siya at naregular na din ako sa work ko. Madalas na siyang nadalaw sa bahay noon hanggang nabuntis ulit ako. Tinanong ko siya kung kamusta na sila ni Beng. Sabi niya okay lang. Hindi sila nagkikita. Masakit sa’kin ‘yung naging sagot niya kaya sabi ko ayaw ko ituloy ‘yung pinagbubuntis ko kasi ganun na naman. Walang plano, walang kasiguraduhan, nasa alanganin na namang sitwasyon. Kapag hindi sila okay sa amin siya ng anak niya. Kapag ‘di kami okay dun siya. Kaya ‘di ko tinuloy at alam kong magsa-suffer lang lalo ang mga bata (breadwinner ako sa family ko).
Bumili siya ng gamot para mawala ‘yung second baby namin. Few months after, natanggal siya sa trabaho at dun niya nlaman na may sakit siya. Kailangan niya munang magpagaling bago makahanap ng bagong trabaho. Bihira na siyang pumunta sa bahay nu’ng mga time na ‘yun. Second birthday ng baby namin nag-usap kami na ‘wag na ‘kong umasa na babalikan niya pa kami kasi namili na siya. Gumuho ang mundo ko nun pero tinanggap ko ang desisyon niya kahit sobrang sakit. Nalaman ko na si Beng ang tumutulong sa kanya para gumaling at nagbibigay ng mga pangangailangan niya hanggang gumaling siya. After three months namin mag-usap nagpakasal sila. Last na usap namin, pinakiusap ko sa kanya na kung mag-aasawa siya sana sabihan niya naman ako para ‘di ako mabigla. Pero hidi niya ginawa baka daw kasi maghurumentado ako. Nagpakasal sila ni Beng at ako naman that year umalis ng Pinas. Nakipagsapalaran. Doon niya ‘ko kinausap nu’ng malayo na ‘ko. Gusto niyang bumalik sa’ming mag-ina. Nagsisisi na siya (that time malapit ng manganak si Beng). Alam kong mali, pero sa kagustuhan kong kalimutan niya na ang nararamdaman niya sa’kin, nag-imbento ako na may nanliligaw na sa’kin at nagugustuhan ko na din. Lagi ko na siyang inaaway para mawala na ang communication namin. Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya kasi alam kong ‘yun ang tama. Kasal na siya, hindi na mababago ‘yun.
Pagkatapos ng contract ko umuwi ako at almost six years akong nagstay ng Pinas. Nagkasabay kami sa bus pero hindi niya ‘ko kinausap. Iyak ako ng iyak noon. Nu’ng makita ko kasi siya, ‘di ko siya nakilala agad. Laging late na kapag nare-realize ko na siya pala ‘yun. ‘Pag-uwi ko ng bahay umiyak ako kasi masakit pa din pala kahit matgal nang nangyari. Ngayon nasa ibang bansa na ulit ako, malaki na din ang anak namin. Gusto ko sanang magkasama at magkakilala man lang ang mag-ama kaso ‘di pa yata sapat ang eleven years para mangyari ‘yun. ‘Yung unang abroad ko pinapayagan kong pumunta ang anak ko sa kanila para makasama at makilala ang mga kapatid niya sa ama pero nu’ng umuwi na kasi ako ayaw na ng anak ko pumunta. I tried na maging Facebook friend kami kaso ‘di niya ina-accept kahti friend request ng anak niya.
My question is pabayaan ko na lang ba ang pagkakataon na magkita silang mag-ama? ‘Di ko kasi alam kung my unclosed issues pa sa’ming dalawa. Pero sa kanila ng anak niya maraming nasayang na panahon. Marami akong maling desisyon na nagawa noon na gusto kong itama kaso ‘di ko alam kung saan at panu ‘ko sisimulan. Sorry, sobrang haba ng wento ko. Thank you and more power!
Lyn
Dear Lyn,
Buti pa ‘yung anak mo nakamove on na. Ikaw, walang plano, ano?
May pamilya na siya. Pinili niya si Beng, hindi ikaw. Hindi kayo ng mga anak mo, nakakalungkot. ‘Pag mat problema sila ni Beng, na sa’yo. ‘Pag may problema kayo, nakay Beng? Pinamihasa mo kasi. Pero I can’t blame you, you love him so much, that’s why.
You’ve worked abroad, you’ve made something out of yourself, and yet hindi mo pa rin nagawang palayain na siya.
Hanggang kailan, Lyn? Gusto mo bang dalhin ‘to for life?
Don’t blame yourself because he wasn’t able to build a relationship as a father with his kids with you. It was his choice.
Ang bata kahit iniwan ng ama at kusa mong inilayo sa ama, time will come, hahanapin niya sa’n siya nagmula, sinong pinagmulan niya. Allow your kids to find their perfect time.
Sabi mo “marami akong maling desisyon na nagawa noon na gusto kong itama kaso ‘di ko alam kung sa’n at panu ko sisimulan.”
This is what I will tell you, unless you let go, unless you forgive yourself, UNLESS YOU FORGIVE THE SITUATION, UNLESS YOU REALIZE THAT THE SITAUTION IS OVER, you cannot move forward.
-
COMMENTS















