Good Day! Gusto ko po sana humingi ng advice. I’m Em, 34 years old, married for 12 years with two children. Ako po ang breadwinner sa family at may sideline po ako. After work nagpi-pick-up po ako ng orders para dadalhin kinabukasan sa work para ipaorder. Nagmamadali ako umuwi para makapag spend ng quality time sa family, para magturo na rin ng assignment sa mga kids at projects nila kahit mahirap. Pagdumadating ang time na nabu-burnout ako nireremind ko ang sarili ko na ako ang ginagawang channel of blessings para sa pamilya ko kaya hindi ako dapat magquit. Ang husband ko po ay nasa bahay at nag-aasikaso sa mga bata pero araw-araw din siya umaalis dahil may ministry siya sa church at para makapagtulong na rin daw tiwala at maluwag ako sa kanya. Hanngang sa isang day nalaman ko na lang may babae po siya at years na pala ang secret relationship nila at dun niya pa nakilala at magkasama sila sa ministry. Inapproach ko po ang asawa ko tungkol dito at inamin niya.
Binigyan ko siya ng chance dahil sabi ko nangyayari sa mag-asawa ‘yun pero sagot niya ‘di na niya ako ganun kamahal. Ilang buwan pa ang lumipas wala ako nakitang pagbabago at parang lumala pa nga. Sabi ko, “bakit mo ginagawa sa akin ito?” Ang sagot niya sa akin, sa mga bata na lang ako magfocus para ‘di na ako masaktan sa kanya dahil baka hindi daw kami compatible at nagkamali lang kami sa isa’t-isa. Araw-araw halos umiiyak ako sa sama ng loob, hanggang sa work, madalas pati sa jeep kusa na lang papatak ang luha, dumaan ako sa matinding depression.
Hanggang sa sabi ko sa sarili ko, ‘di dapat ganito. Kaya kinausap ko siya sinabi ko sa kanya na, “binigyan kita ng panahon para magbago pero wala. Inunawa kita pati obligasyon mo inako ko, ito pa ba ang gaganti mo? Hanggang hindi ka nagbabago hindi ka dapat dito sa bahay, kapag handa ka magbago tsaka mo ‘ko balikan.” Umalis po siya at nagsama na sila at minsan dumadalaw sa mga anak ko kung kailan niya maisipan at kinukwento na lang ng mga bata minsan kapag pumupunta ito sa kanila. Kami wala ng communication. Six months na ang nakakalipas feeling ko tuluyan niya na tinapon ang pinagsamahan namin. Samantalang ako nasasaktan pa rin. Ngayon po may bumabagabag sa akin kung dapat po ba ako magfile ng kaso o hindi na for financial support at Concubinage?
Dear Em,
Kung noon kasama mo ikaw ang breadwinner dahil ‘di kayang mag suporta ng pamilya, ano pa kaya ngayon na dalawa na pamilya niya?
You did the right thing of letting him go. Don’t ever allow people to get comfortable disrespecting you, besides, what is the point of fighting for him? He said, he doesn’t love you that much anymore, ‘di ba?
Don’t get mad nor don’t get depressed again. Get even.
Kung kasal ka, file a case. Pinapamihasa natin ang mga lalaki eh. May gumawa ng batas, ‘di ba? VAWC – R.A. 9262. Basahin mo, bigyan mo ng leksyon.
You don’t need him, actually. Kaya mong buhayin ang mga anak mo mag-isa. When I was reading your letter I felt how positive you are when it comes to your kids and how much you love them. Focus on them.
And lastly, you have two options, my dear…
1. Get even. File a case and let him pay for what he did big time.
2. Or just let it go, forgive, and move on. But end up thinking what could have happened. If you tried getting even.
COMMENTS
We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph.
By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies.
Find out more here.