Get Up Stronger This Time
X

CHLOE'S INBOX

Get Up Stronger This Time

June 27, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---GET-UP-STRONGER-THIS-TIME
    Hi DJ Chloe,
     
    Sumulat po ako sa inyo dahil kailangan ko po ng payo para sa isang matinding decision bilang isang ina. Itago niyo nlng po aq sa pangalang “Sand.” Papaikilin ko na lang po ang istorya. 2010 ng nangibang bansa ako sa bansang Jordan para makipagsapalaran dahil isa po akong single mother sa dalawa kong anak. Sa kasamaang palad nakilala ko ang ang lalaki na nagpagulo sa buhay ko. Isang Jordanian. Same year nakilala ko siya, nagstay ako sa Jordan for almost one year then I decided to go back to Philippines. Then he surprised me four months after I arrived in Manila. He followed me then we lived in Las Piñas for one year. Then he decided to go back to his country. One month after he left, nalaman ko na lang na nag-iwan pala ako ng souvenir sa kanya. I was pregnant! (Fast forward) After three years, kinuha niya kaming mag-ina for vacation lang daw. I-depend sa visa na sinend niya sa’ming mag-ina as a visit visa. Pero nu’ng dumating kami dito sa Jordan kinuha niya lahat ng documents namin mag-ina including our passport. Then I found out na he’s living with another Filipina girl, kasal din siya sa isang Pinay wich is tinago niya sa’kin for almost three years. Then he sent the girl back to Philippines. Kasal siya pareho sa aming dalawa.
    Now the problem is ayaw niya na payagan ‘yung anak ko na maiuwi kasi mas better daw ang future ng anak ko dito. Although wala siyang stable na trabaho and his salary is not enough to raise a child lalo pa’t my bisyo. He’s beating me also and my daughter was emotionally abused sa kanya. He said kung gusto ko umuwi ako lang mag-isa pero ‘yung anak ko maiiwan dito sa Jordan. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, DJ Chloe. Dahil ‘yung dalawang anak ko nangungulila din sa akin. Gustuhin q man bumalik ng Pinas hindi ko magawang iwan ‘yung bunso ko. She’s just four years old girl. I know na kapag iniwan ko siya suntok sa bawan kung makakasama ko pa ulit siya. Now nandito kami nakapisan sa nanay niya.
    And the other woman is coming back after two months. He still communicating with that girl secretly. Even though sabi niya tapos na lahat sa kanila at sabi niya pa pagdumating daw dito he will stop communicating to her. For me, it’s okay if they comeback to each other, all I want is to go back home with my daughter, what I will do, DJ Chloe? Sa totoo lang po nakikisama ako sa kanya dahil s anak ko. Nilayo niya sa’kin ang anak ko for five months which is nakaapekto sa behavior niya. Then I made a legal move. Ginawa ko na lahat, humingi na ‘ko ng tulong sa embassy natin pero wala din sila nagawa. Batas daw kasi nila dito ang susundin. Nagfile din po ako ng kaso laban sa kanya how many times kami nag hearing and the result dito sa bansa nila is, yes nasa’kin ang custody ng anak ko, until she reach 12 pero kung gusto ko iuwi ng Pinas ang anak ko nasa tatay pa rin ang decision kung papayag siya o hindi. So I decided to drop the case at makisama sa pamilya ng lalaki alang-alang sa anak ko. Please help me, DJ Chloe, hindi ko alam kung uuwi ako or mags-stay dito para sa bunso ko. Iisipin ko pa lang na iwan ko siya ang bigat na ng dibdib ko. Please help me kung anong dapat gawin. I hope na isa ako sa mabigyan mo ng magandang advice gaya ng iba. Thank you and God bless yo always.
     
    Truly yours,
    Sand
     
    Sand,
     
    You went to Jordan in the hopes of giving your two children here in the Philippines a good future.
     
    What happened? This is exactly what I mean when I say that every time a single mother makes a decision, always ang tatamaan ng desisyon ang mga anak niya.
     
    Iniisip ko pa lang na ang mga anak mong naiwan dito eh nangungulila sa’yo, sumisikip na ang dibdib ko. Several times in my life naisip ko ding mag-abroad noon because I am also a single mother. Pero ‘di ko kaya. Lahat ng kaya at alam kong gawin ginawa ko at kinaya ko dito sa bansa natin ‘wag lang na ‘di ko makita o makasama ang mga anak ko lalo ‘pag may sakit. Ako nga matanda na pag may nararamadaman Nanay ko pa rin hanap ko. Ano pa ang maliit na bata?
     
    I suggest that you pull yourself together. Stay focused and plan your moves. There is no room for being emotional, and make sure na wala kang gagawin pang anong move na lalo mong ikakasira. Laruin mo lahat. Kunin mo ang loob. ‘Yan lang naiisip kong paraan. Kung pano mo kukunin ang loob niya ikaw na lang nakakaalam nun but bottom line is for you to get his trust.
    He once lived here with you. Planuhin mo kung panong maalok mo uli na mamasyal kayo dito sa Pinas.
     
    Once magawa mo ‘yan at nandito ka na kasama ng dalawa mo pang anak, wag ka ng magpapa api pa lalo’t nandito ka sa lupa natin. Pack your bags with your kids and get lost. Leave him here until he returns to Jordan alone.
     
    ‘Di ko alam, Sand, if that even makes sense. Pero sabi mo nga kahit embassy natin d’yan ‘di ka matulungan. Dami ko ng narinig na ganyang kwento.
     
    Manalangin ka, Sand, mag makaawa ka sa Panginoon na tulungan kang makaalis diyan. Pray for RESILIENCE, Sand.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.