CHLOE'S INBOX
Getting Tired Of This Relationship
May 18, 2017
-


Hi!
Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Lyn. May ex po ako, isang taon at pitong buwan po kami at nang kami pa ay tatlong beses po kaming nagbreak. Opo, tatlong beses. Siya iyung nakikipagbreak tapos siya din po ‘yung nakikipagbalikan, eh ako nman si tanga, gorabelss na lang din. Hayy! Last week po nagbreak na naman kami at ngayon nagtext na naman siya. Kumbaga ‘yung nagparamdam na naman. Aaminin ko pong na-obsess po ako sa kanya kasi nga mahal na mahal ko po ‘yun eh. Pero syempre minsan nakakapagod din, nakakapagod umintindi, nakakapagod dahil paulit-ulit na lang niya akong sinasaktan. Magpapakatanga pa din ba ako sa kanya? Mahal ko pa po siya pero gusto ko na din magmove kasi alam ko na din sa sarili ko na nagmu-mukha na po akong tanga, pero mahal ko eh. Ano ba kailangan kong gawin? Dapat ba ‘kong magmove on na lang o umasa pa din?
Lyn
Ilang taon na ba kayo? Ilang taon na ba ang boyfriend mo? Gawain lang ng mga pabebe ang ganyan.
Anyways, kung obsessed ka sa kanya. Hindi pagmamahal ‘yan.
Kung pagod ka na kakaintindi, pagod ka ng masaktan, pahinga ka muna.
Hindi naman dapat ganun eh. Trials and differences are normal in a relationship. But we get into a relationship primarily to be happy, to be loved.
Not to be stressed.
Gets?


-
COMMENTS














