God Knows Who You Need In Your Life
X

CHLOE'S INBOX

God Knows Who You Need In Your Life

November 9, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-god-know-who-you-need-in-your-life

    Good day, DJ Chloe!

    I just want to share my story to your avid listeners. Soon I will be again one of them. Because I’m currently working here in Riyadh, Saudi Arabia.  I’m an OFW. The reason why I came here is for my kids. Or maybe escaping from reality. So here’s my story. I’m 30 years old. I have two kids. I have a live-in partner. But now I broke up with him officially. Kasi for seven years hindi talaga siya tumigil sa bisyo na mambabae. Ako that time super martir, manhid, and scared. Takot na baka iwanan niya kami ng mga anak ko. Naisip ko noon anong mangyayari sa’min kung tuluyan niya kaming iwan. I’m hurt physically and emotionally kaya kahit alam ko na nagloloko siya pikit-mata kong tinanggap ‘yun para sa mga anak ko. Until napagod na ‘ko, DJ Chloe. I told myself na tama na, wala na din namang mangyayari kung ako lang ang isang lumalaban para sa pamilya namin. So I decided to go abroad kasi baka matauhan siya pag wala na ako at maisip niya na mali ‘yung mga ginagawa niya. At first, okay kami, though andoon pa din ‘yung doubt na niloloko pa din niya ako. Kasi sabi nga nila nagawa niya nga akong lokohin ng harap-harapan ‘yun pa kayang wala ako. For one year, I keep on sending money to him for my kids. Until I heard from my friends na may babae na siyang inuuwi sa bahay. To think na pinakilala pa niyang bagong mama ng mga anak ko. ‘Yun ang pinkamasakit sa lahat, ‘yung pati mga anak ko dinamay niya sa kalokohan niya and even threatening me na ‘pag ‘di ako nagbigay ng pera ilalayo niya mga anak ko ay ‘di ko sila makukuha. I tried to get them by my mom coming to Manila. Pero ayaw niyang ibigay unless ako ang kumuha. The second time inamo-amo ko siya para lang makuha ko loob niya at ibigay na niya sa mama ko ‘yung mga anak ko. At nagtagumpay naman ako. So sa ngayon ‘yung mga kids ko nasa mama ko na. At maayos na ang kalagayan nila ngayon. One thing that I learned from all of these is God never sleeps. For two years now, I keep on praying for my kids’ safety. At ipinagpasa-Diyos na lang ang lahat. Sabi nga nila, if you sacrifice a lot, you will gain a lot at the end. Now, I’m going home soon to my family and kids. God is just so good to me in every way. And I’m thankful for that. As of the father of my kids, he is in a miserable place right now. Karma struck him back. Totoo talaga ‘yung kasabihan na kung ano ‘yung ginawa mo sa kapwa mo, babalik at babalik ‘yun sa’yo.

    Thanks for your time and more power to your station.

    Sincerely yours,

    Ahgassi

     

    Dear Miss A,

    Well it seems that you are now finally on your senses. Sana lang ‘wag ka nang magpabola pa ulit. ‘Pag ikaw naman ang inamo-amo niya na bumalik pa sa kanya “for the sake of the kids”, for your own sake, totally get him out of your system. If he makes any contact make sure na dahil na lang sa mga bata at ikaw naman ‘wag ka nang magpakita pa sa kanya ng pagkakataon o motibo na mauto ka na naman. It’s not easy na kumawala sa ganitong klaseng sitwasyon, unang iisipin mo ang mga bata. But come to think of it, is it really the kids or is it because of too much unreasonable love? We stay in a toxic relationship hoping that our sacrifices will be repaid by the same person who is too ungrateful to even love us back. No amount f sacrifice can change a person. Magbabago lang ‘yan kung gusto niyang magbago. Kaya salamat naman at naisipan mo na ginto ang oras mo at ‘di ito sinasayang sa walang kwentang tao. Oh, ano na naman? Biased na nama ako? Sa nagsasabing biased ako, maaring biased nga ako. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kapwa ko babae na magtiis at tanggapin na lang ang ano mang meron siya. Millennial na! At usong-uso na ang love yourself first before you start loving someone. Kung mahal mo sarili, alam mo dapat kung mahal ka din talaga ng kasama mo o isa lang syang malaking pasakit sa buhay mo!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.