CHLOE'S INBOX
Growing up means being on your own
July 18, 2019
-


Good day DJ Chloe,
Lagi po ako nakaabang sa Chole’s Inbox niyo. Pakitago na lang po ang identity ko. Hingi lang po ako ng advice sa inyo about sa mga kapatid ko, kasi naiinis ako sa kanila kasi palagi na lang sila sa bahay ng mga magulang namin nakatambay. May mga pamilya naman at may mga sariling bahay pero nasa magulang pa rin namin sila umaasa. Naiinis lang talaga ako kung titingnan ko at isa pa ang ingay ng mga anak nila at ang gulo at ang kalat pa ng bahay namin palagi. Siguro kung may pa-survey lang ang baranggay naming, siguro top 1 kami sa pinakamaingay na bahay. Parang ako pa mag-aadjust para sa kanila. Hindi ako makatulog tuwing graveyard shift ko sa trabaho, palagi akong puyat. Please advice, DJ Chloe. Thank you.
Hi Kuya!
This situation is teaching something. It’s showing you what you shouldn’t become. Siguro nagsipag-asawa ang mga kapatid mo na hindi pa handa, and you can’t blame your parents. Kultura ng Pinoy na sama-sama pa rin kahit may mga sarili ng pamilya at mga anak. Not everyone really understands na kapag nag-asawa na, dapat nang humiwalay sa magulang, Biblical ‘yan. Sabi ko nga sa’yo, if you’re of age already, and you have a job, bakit hindi ikaw ang umalis at sumubok na matutong mamuhay nang mag-isa. But you said ayaw mo kasi bahay niyo ‘yun at sila ang dapat na umalis na doon. Ano ang pagkakaiba mo sa kanila? Ikaw na kaya ang bumukod dahil may sarili ng hanap, eh ayaw mo rin naman umalis sa inyo? What’s keeping you? Kasi magba-budget ka na? Mapipilitan kang magbayad ng sarili mong bills at magtipid? Eh pag nasa magulang libre, ‘di ba? Maaring nag bibigay ka, pero hindi ka papalayasin kapag hindi ka nakapag abot… right? That’s the only way for you to learn how to stand on your own 2 feet. Leave your parents’ house, and live on your own, within your means.
-
COMMENTS















