CHLOE'S INBOX
Happiness Alone Is Possible
June 29, 2016
-


Dear DJ Chloe,
I just want to seek an advice regarding my problem with my boyfriend. Actually, we are planning na to settle down hopefully by next year. Kailangan lang ng ipon pa. Sinasabi niyang ako na ‘yung gusto niyang makasama habang buhay pero recently this year bumabalik na naman ‘yung ugali niyang pagtingin, pakikipagtitigan, at pagpapacute sa iba even right in front of me. So ang pumapasok sa isip ko ganoon siya even when I’m around, what more paghindi. ‘Yan ang conflict namin ever since. Kaya on-off-on-off kami before. I thought nagbago na siya nu’ng nagkabalikan kami last December but I’m wrong. Every time I will question his behavior, nagagalit siya. Ang dumi ko daw mag-isip. Wala naman daw siyang ginagawa. Ang sakit lang sa’kin kasi kung gaano ako ka-faithful sa kanya, ganun siya ka-disloyal sa’kin. Ayusin ko daw ‘yung pag-iisip ko at magiging okay kami. Pagod na pagod na ‘ko sa mga ginagawa niya. Parang gusto kong bumitiw na lang. Ang hilig pa niyang makinig sa mga sinasabi sa kanya ng mga katrabaho niya. Naririnig ko sa kanya puro, “sabi ni ganito, sabi ni ganyan”. I can’t help but wonder anong mangyayari sa’kin kung ganyan ‘pag kasal na kami? Bigyan mo naman po ako ng advice.
But just recently nag-usap po kami. Sabi niya ‘di na daw po siya sigurado kung ako pa rin gusto niya panghabang-buhay kasi natatakot siya na ‘pag nagpakasal kami at ang iniisip ko ay meron siyang iba baka daw po putulan ko siya ng ari sa gabi habang natutulog siya. And then regarding naman sa pagtingin-tingin niya sa iba, sign lang daw po ‘yun ng admiration. Ako pinagdecide niya kung ititigil na ba namin. Sabi ko itigil na lang, umiyak siya. Umuulan nu’n. Sabi niya umalis na daw ako, iwan ko na siya. Naawa naman po ako kasi nababasa na siya. Then nu’ng pauwi na kami tinanong niya ko kung gusto kong pumunta sa kanila? Kasi ‘yun ‘yung ibabayad niyang pamasahe. But I said no. Nakita ko nalungkot siya sa sagot ko pero may doubt na ‘ko sa mga pinapakita niya. Then nu’ng nakauwi na ‘ko tumawag siya asking if nasa bahay na daw ba ako? Sabi ko, oo. Siya daw kanina pa nakauwi. After that, ‘di na siya nagsalita but I’m the one who hang up the phone. Umiiyak siya. Wala na kaming contact after nu’n. Last Friday nag-apply ako ng trabaho. Maagang natapos ‘yung interview at ayoko pang umuwi. So I decided to drop by at his work. Okay naman ‘yung huli naming pag-uusap kaya tingin ko if dumaan ako okay lang. At nagulat ako sa response niya. Galit. Ano daw ginagawa ko dun? Baka daw nagpapacute lang ako? Tapos pinaalis niya ko. Napahiya ako nu’n. I texted him na tandaan niya ‘yung araw na ‘yun kasi ‘yun ‘yung huling araw na mapapahiya niya ‘ko dahil wala nang mangungulit at babalik sa kanya kahit kailan. Ngayon desidido na ‘ko to move forward pero madalas siya sumasagi sa isip ko. And I can’t help it. Nahihirapan ako. Ang bigat.
Nu’ng nagpunta pala ako sa work niya ‘di ko agad napansin, sumagi lang sa isip ko nu’ng nakasakay na ‘ko ng jeep. Tumaba kasi siya nu’ng naging kami ulit. Now, pumayat siya. May muscle. Bumalik siya sa pag-gygym, obviously. Naisip ko tuloy panigurado may bago na naman siyang chix na pinopormahan. Ganun siya eh. Kapag kami okay lang kahit ‘di siya mag-ayos. Pero ‘pag may ibang involve na babae nag-aayos sya. Ang sinasabi niya sa’kin ‘di na daw siya nag-aayos kasi iisipin ko may babae siya kahit ‘yun naman talaga. Nahihirapan po ako. Ang bigat madalas sa pakiramdam. Every time siya ‘yung pumapasok sa isip ko. Although I want to stick with my decision. Ano po bang dapat kong gawin?
Shinshin
Dear Shinshin,
Mabigat sa pakiramdam but you want to stick with your decision? I think you should, really stick with your decision of letting it go. Letting him go rather. Because he already told you that he is not sure anymore if ikaw pa rin ba ang gusto niya.
His reasons, no matter how mababaw for letting you go or asking for an exit are just reasons na lang he can think of. But the truth is he is not into you anymore. A man will not let you go if he is truly committed to you.
One more thing, he flirts with other women even with you around? Wow, that’s an insult at its finest, you know. I think you can never really stop men from looking at other women. But you can at least tell them not to do it in front of you and if they have a brain. They won’t do it in front of you. Gawin man nila ‘yan pa-simple. Pero hindi garapal, pag garapal na, ayawan na!
I think the reason why you still want to hold on is you can’t let him go.
You have to have the courage to give it up and let him go so you can start all over again whether with someone else, if given another chance at love, or ALONE.
The reason why people stay in crappy relationships? They’re scared of ending up alone and unhappy while the other ends up happy with someone else, that’s wrong.
You have to learn how to be happy alone. If you put your happiness in the hands of someone else you’re doomed. Kailangan mong matutunang maging masaya nang mag-isa, so let go. Stop holding on to people who have decided to let go of you, to relationships that doesn’t bring out the best in you. So you can have the chance to start over again with yourself.
-
COMMENTS















