Being Happy Is Not A Reason
X

CHLOE'S INBOX

Being Happy Is Not A Reason

February 26, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BEING-HAPPY-IS-NOT-A-REASON

    Have a wonderful day DJ Chloe,

    Call me Bruce. I’m single, 30 years old. Five (5) years akong driver sa Middle East at ngayon driver ako ng isang mag-asawang mayaman na pabalik-balik lang from USA at dito sa Pinas. DJ, I’m single but I committed sa boss kong babae. And she’s married, 40 years old at ang husband naman nya is 60. Every time na umuuwi sila galing US halos gabi-gabi nkakatabi ko siya. DJ, wala na siyang feelings sa husband niya. Almost two (2) years na kaming mag-on. Every year umuuwi sila ng Pinas ng husband niya. Driver nila ako and halos araw-araw nasa bahay nila ako. May isa silang anak, DJ, pero nasa US din at nagda-drive lang ako sa kanila basta nandito sila sa Pinas. Miss ko siya palagi, DJ Chloe. Lalo na pag bumabalik sila ng US at kahit sa panaginip hindi ko kayang iwanan ko siya. Ibinubuhos ko lahat sa kanya ang panahon ko at hindi ko alam kung anong ending nito. Araw-araw ko siyang minamahal, DJ. Pero araw-araw din akong nasasaktan. Lalo na kapag kasama niya husband niya at nadidinig ko gaano sila kasaya. DJ, dama ko ang pagmamahal niya na sobra-sobra at hindi ko alam kung hanggang kelan ito. Hindi ako ready na masaktan, DJ Chloe. Hindi ko alam gagawin ko if ever mawala siya sa buhay ko. Sa ngayon, patuloy akong umaasa na sana makasama ko siya balang araw. Kahit minsan naiisip kong may mali pero nangingibabaw pa din sa’kin ang sobra kong pagmamahal. DJ Chloe, minahal ko siya sa maling panahon at maling pagkakataon. Pero kung lalayo ako hindi ko kaya. Mali ba talaga ang magmahal ng may asawa kahit alam niyo naman na pareho kayong maligaya??? Sana maintindihan ako ng mga listener niyo. Thank you, DJ Chloe and more power to you!

    Bruce

    Hi Bruce,

    Ikaw? Naturuan ka naman ng tama o mali, ‘di ba? Ikaw mismo makakasagot ng tanong mo. Kahit parehas kayong maligaya? Enough justification ba ‘yun? Sayang naman, Bruce, if you could love the wrong person this much, imagine how much you can love the right person for you. May mga bagay na hindi natin pwedeng ipilit, sa ngayon masaya pa kayo, kasi wala pang problemang nagboo-boomerang sa inyo. What if the husband finds out? Are you ready for the consequences? Minsan akala natin kaya natin or wala lang or ‘di makakaisip ng hindi maganda ‘yung tunay na asawa but don’t under estimate a person. ‘Di mo alam anong pwedeng gawin niyan. ‘Di ko alam anong pwede kong sabihin sa’yo para makapag-isip ka ng tama pero nakakasiguro ako na kung may Diyos ka sa buhay mo matagal ka ng wala sa sitwasyong ‘yan. Everything we do has a cause and effect. ‘Di man ngayon, pagdating ng panahon. Obviously, the woman you love is enjoying the best of worlds. Do you really love her? Or do you just need her? Kung minsan malaking tulong ‘yung isipin mong ikaw ang nasa katayuan ng asawang lalaki, ano kaya mararamdaman mo? Nagmamahal ka nga ng labis, nasasaktan at natotorture ka naman kakaisip ng labis. Saang part d’yan ang masaya?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.