CHLOE'S INBOX
The hardest thing to do is usually the right thing to do
February 20, 2019
-


Dearest DJ Chloe,
So, there’s this guy who told me na hindi pa siya ready sa isang relasyon dahil ayaw niya ng panibagong test-the-waters lang. He wanted to be ready for us daw. Naniwala naman ako sa kanya, sa amin. Then one day umamin na lang siya na may girlfriend pala siya throughout our stint. I was so broke when he confessed to me. Inamin niya daw sa’kin dahil gusto niya ng magpakatotoo at gusto niya ng hiwalayan ‘yung babae, sinabi niya lang daw na hindi pa siya ready noon dahil wala siyang ibang marason dahil baka mawala ako pag-umamin siya. He also told me na he was so poor when the time I met him, na ‘yung babae yung inuuwian niya and all. Pero hindi niya ‘to mahal kundi, kailangan niya nu’ng mga panahong walang-wala siya. Then he met me, ako na happy-go-lucky, travel, office, bahay, luho. Hindi niya kahit kalian man pinaramdam sa’kin na nagigipit siya dahil ginagawa niya kong prinsesa pagmagkasama kami. I was really surprised when he confessed those things, I felt his love and his sincerity, hindi ko naramdaman na tight ang budget niya kapag sa akin. By the way, ‘yung girlfriend niya and him they are both 30s. Six (6) years ang gap ko sa kanila. They were friends since college. Nu’ng inamin niya ‘yun sa’kin he asked for me to give him enough time para humiwalay, humahanap lang daw siya ng timing. Dahil alam niyang unfair na rin naman sa’ming lahat. Pero alam niya rin ang damage na ibibigay niya dun sa babae. I agreed. Gusto kong ayusin niya muna ang lahat ng dapat. Inistalk ko ‘yung babae, naramdaman kong sobrang mahal niya ‘yung lalaking pinakamamahal ko. Naramdaman ko ‘yun sa bawat litrato. Pero naramdaman ko ring ang lungkot na hindi naibibigay sa kanya ang dapat ay sa kanya. Babae rin ako, DJ Chloe, alam kong maling-mali pero I wanted to be brave for my happiness. Bravery, in a way na nilet go ko ‘yung taong mahal ko. It feels so wrong. Mahal na mahal ko siya at alam kong ako ang mahal niya. Pero alam kong may nasasaktan kami. I cut our communication. Hindi ko na siya sinubukang kontakin pa. Without any words. Isang umagang hindi nalang ako nagparamdam sa kanya. Gusto kong gawin niya ang tama ng wala ako. Na will niya talaga at kung kami, nandito lang naman ako. Araw-araw siyang nagme-message sa’kin. He finds it so unfair pero sana maintndhan niyang para samin ‘to. Tama lang ba ‘yung ginawa ko? Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ‘to pero ayoko nang makasakit siya at ayoko na ring masaktan ako o siya.
Hello!
Well, that’s the bravest thing to do, and the hardest thing to do is usually the right thing to do. It will be painful of course and there will be times na you will feel na mali ang desisyon mo because you love him. BUT the guy is a complete jerk, he is a free-loader pa. What makes you think he won’t do to you the things he’s doing now sa girlfriend niya? If he really loves you, he will break up with the girlfriend, magutom na siya kung magutom besides lalaki naman siya , dapat siyang magbanat ng buto. He will fix himself, find a job and find you again when he is ready for you. Tama lang ba ang ginawa mo? OO because it felt so wrong that you decided to let go. Don’t worry, girl, the right one will come and you will surely find someone you truly deserve.
-
COMMENTS















