He wants you but he is not ready to be with you
X

CHLOE'S INBOX

He wants you but he is not ready to be with you

October 24, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---HE-WANTS-YOU-BUT-NOT-READY-TO-BE-WITH-YOU

    Hi DJ!

    Here I am writing another story to you, a year passed since I last wrote to you. It was about a wonderful story of my ex and I na pwedeng pang Wattpad. This time, it isn’t a once upon a time story. I met a guy last December of 2017, he is my officemate. He’s 30, single, band lead guitarist. Six (6) years ang age gap namin. When I first saw him attracted talaga ‘ko sa kanya bukod sa mysterious looking arrive niya eh balita ko sa office na ang may mga girls talagang nagkakagusto sa kanya. Even a friend of mine has a crush on him. Pero itong si guy eh sobrang tahimik naman talaga. We always meet sa locker area, at lagi kaming nagkakatitigan. I don’t know if it was just me pero iba ang vibration ko sa kanya. The first time I saw him alam kong magging parte siya ng buhay ko. Hinayaan ko lang lumipas ang araw, it was February when we had an activity sa office, to write a letter for someone in the office. Unknowingly, kaibigan niya pala ang best friend kong babae at pinakilala ‘ko sa kanya. We both just ignored it lalo ‘pag nagkakasalubong kami. I know ramdam niya rin na awkward. ‘Til I received a friend request and a message in Facebook. Galing sa kanya. Araw-araw na kaming magkachat and magkasama na rin kami minsan maglunch. Sa paglipas ng panahon napalapit na rin ang loob namin sa isa’t isa. We both know that we are attracted with each other. We confessed about it. However, I set up rules na walang magi-give in sa love. Sobrang takot ko pa magkarelasyon ulit noon, natali ako sa years of relationship ngayon na lang. I enjoyed my time alone pero nu’ng nakilala ko siya, I even enjoy it more. Yes, we make out. A lot of times. We even travelled. Hanggang sa hindi na kami discreet, nakikita na rin kami ng mga tao together but we just let it. Until one day he said ayaw niya na sa rules and set up namin. He told me that he wanted to end up with me dahil hindi na rin siya bata for this kind of set up. He wanted me to patiently wait until both of us are ready, ayaw niya na ng another failure. Ang bottom line gusto niya na magkarelasyon kami pero hindi pa siya ready ngayon at gusto niyang ihanda ang sarili niya. Mas nakilala ko pa siya DJ Chloe, he’s a really a good man. Sandaling panahon pa lang pero masasabi kong naging mas masaya ako sa kanya. Things changed, nagresign siya sa office to help his mom and dad na naiwan niya sa Bulacan. Parehas kaming solo child pero masasabi kong mas magaan ang buhay para sa’kin. He needs to take care of her mom na kakaopera lang, matatanda na sila at may business na iniwanan sa kanya, which he really hates. Everyday nararamdaman ko ‘yung frustration niya sa pagstay niya sa kanila. He wanted a life out of it pero he still chooses to take care of them. Pag restday ko, uuwian niya ‘ko sa Manila. Consistent naman siya doon. Naiintindihan ko naman na kailangan namin parehas mag-adjust. May panahon din na ako ‘yung pumupunta sa kanya. We adjusted 360°. Gusto kong maging support system niya. But everyday nararamdaman ko rin na ayaw niya sa sitwasyon niya. Nagse-self-pity siya and everything. Sinubukan kong intndihin siya. Pero he gave up. Sinabi niyang sinasayang niya lang ang isang tulad ko, na mahal niya talaga ‘ko pero naiisip niya ‘yung bigger picture sa future. Kung paano namin papakisamahan ang bawat pamilya ng bawat isa. Na punong-puno siya ng frustration. Na hindi ko sia deserve. Na ang dami ko pang pangarap para matali sa kanya. And he wanted to set me free. It was so painful, DJ Chloe. All the time I believe in him, I know he is a great man. And I really love him. Pero nirespeto ko ‘yung desisyon niya. Pero mula nu’ng araw na nagdesisyon siya nun, araw-araw pa rin niyang sinasabing mahal niya ako. Cliché, but how can I move on when I’m still in love with him? Gusto niya ‘kong kitain pero alam namin parehas baka hindi ‘yun makatulong. I miss him so much. So much that I don’t know until when.

    Julie

    Hi Julie,

    Bakit parang ang gulo. Gusto ka niya tapos nakipaghiwalay. Gusto ka niya pero ‘di kayo magkasama at hindi kayo okay. Mahal ka niya pero nilet go ka niya.

    Anyway, who am I to judge? Hindi ko naman alam anong predicament niya talaga sa buhay except kung ano lang ‘yung sinabi at naikwento mo.

    Maswerte pa din siya, andiyan pa magulang niya, may negosyo na pwedeng bumuhay sa inyo na mamanahin niya sa magulang niya.

    Ang daming tao na walang-wala sa buhay.

    The guy obviously doesn’t know what to do with himself. He probably feels stuck in a situation he doesn’t like. Instead of making the situation work to his advantage parang mas gusto niya pang isipin na wala na siyang pag-asa sa buhay.

    What if kayo na? Asawa mo na ‘yan. Magwi-widthraw when the situation is not okay?

    No matter how good of a woman you are, you’ll never be good enough to a man who is not ready. Simula pa lang ng relasyon niyo hindi na siya ready. Bottomline: “gusto niyang magkarelasyon kayo pero hindi pa siya handa.”

    Hayaan mo muna siyang ihanda sarili niya. Baka mag-antay ka ng mag-antay diyan sa wala. Sayang ang time.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.