Hidden Resentments Are Poison
X

CHLOE'S INBOX

Hidden Resentments Are Poison

November 23, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---HIDDEN-RESENTMENTS-ARE-POISON

    Hi DJ Chloe,

    I’m an avid listener of your program. Hingi sana ako ng advice sa inyo. Please hide my identity. Two (2) years na po akong kasal and may isang anak na. Nakatira kami ngayon ng asawa at anak ko kasama ‘yung family ni husband (parents at mga kapatid niya). ‘Yung bahay na inuupahan namin, ‘yung asawa ko ‘yung nagbabayad at siya din ‘yung gumagastos sa mga pangangailangan sa bahay dahil may maganda naman siyang trabaho at malaki ang kita. Sa madaling sabi siya pa din ‘yung sumusuporta sa family niya.

    Ako naman ngayon ay walang work dahil ako ‘yung nag-aalaga sa baby namin. Medyo okay naman ‘yung relationship ko with my in-laws, hindi naman kami nag-aaway pero deep inside, hindi pa rin ako komportable sa kanila. Ewan ko ba, siguro dahil ramdam ko din na hindi rin lapat ang loob nila sa akin, pakiramdam ko may sama pa rin sila ng loob dahil kinuha ko ‘yung anak nila na malaki ‘yung naitutulong sa kanila financially dahil wala naman sila parehong trabaho. Ngayon, DJ Chloe, nagpaplano na kami na bumukod ni husband at kumuha na ng bahay para ‘di na kami mangupahan.

    Ang gusto ko sana kahit maliit lang na bahay at may isang kwarto lang na kakasya sa aming tatlo (condo style). Kaso ‘yung family ni husband ang gusto na kunin na bahay ay ‘yung malaki na o town house para kasya din sila. At ‘yung husband ko gusto na din ata bumili ng malaking bahay dahil mas praktikal daw ‘yun. Ang original plan talaga namin, DJ Chloe, pagkukuha na kami ng sariling bahay at bubukod na ng asawa ko ‘yung mga in-laws ko uuwi na ng Cavite dahil may bahay naman sila doon, ‘yun nga lang ‘di masyadong maayos. Kaso ngayon mukhang wala na silang planong umuwi ng Cavite. Nabanggit din kasi ng biyenan ko na ayaw na nilang umuwi doon.

    DJ, hindi naman sa pagiging masama ang ugali pero gusto ko sana magkaroon ng sariling bahay at buhay kasama lang ‘yung mag-ama ko. Okay lang sa akin na sustentuhan at suportahan niya pa rin ‘yung family niya, basta ang hiling ko lang magkaroon ng sariling bahay na sa amin lang. Hindi talaga ako komportable living with my in-laws eh, parang ang hirap kasi gumalaw, feeling ko bawat kilos ko binabantayan nila. Hindi ko din mapagsilbihan ng lubos ‘yung asawa ko sa ngayon, ‘di ko man lang siya maipagplantsa ng uniform niya sa office dahil trabaho ‘yun ng nanay niya bago pa kami ikasal. Nu’ng minsan nag-attempt ako na plantsahin uniform ng asawa ko ay minasama ng biyenan ko. After nun, ‘di ko na inulit, para wala na lang usapin. ‘Di ko na alam ‘yung gagawin ko, DJ, gusto ko sana sabihin sa husband ko ‘yung nararamdaman ko at saloobin ko kaso natatakot ako na baka magalit siya sa akin dahil siyempre pamilya niya pa rin ‘yun. ‘Di ko rin alam, DJ Chloe, kung tama ba ‘yung gusto kong mangyari, nagiging selfish na ba ako o nagiging madamot. Sana mapayuhan niyo po ako. Salamat and more power sa show niyo.

    New Wifey

    Hi!

    Mga nanay naman na may mga anak na lalaki na may mga asawa na susmaryosep naman, ‘wag na po tayong makipag kumpetensya sa mga asawa ng anak niyo. Dapat nga po sana matuwa kayo kasi may mag-aasikaso na sa baby boy niyo, ‘di ba? Pati ba naman pamamalantsa eh? Pwede siguro tayong mangialam kung sakaling minamaltrato si baby boy. ?

    Well I do understand na siguro ay it’s his mother’s way of showing thank you dahil sa ngayon siya nagsusuporta sa  kanila eh pero hindi na maganda na minasama niya pa ang pamamalantsa mo ng damit ng asawa mo naman.

    Kung nagagalit siya, sige hayaan mo siya. Habang namamalantsa maglabas ka pa ng ibang damit ng asawa mo sabihin mo, “Ma, eto pa po oh.” O ‘di kaya gawan mo ng style, “Ay ganyan po ba, ma, ang tamang pamamalantsa niyan? Ay mali po pala gawa ko. Turuan niyo nga po ako. Ako na lang po, ma, para makapagpahinga na po kayo sa pamamalantsa ng damit ni baby boy.” Ganun. Charotin mo na lang!

    Eh pero bakit ba ‘di na nawala ang ganitong problema?  Hulaan ko? Hindi planado ang pag-aasawa niyo, ano? Kasi kung nakapagplano kayo malamang ready si madir na mawala na sa kanya ang kanyang baby boy. At napag-usapan niyong mag asawa at nasabi mo na ayaw mong makipisan sa in-laws at gusto mo eh magkaron kayo ng sarili niyong bahay at buhay.

    This is what usually happens when things happen unexpectedly, ng biglaang pag-aasawa dahil siguro nakabuo kayo ng ‘di oras. Anyways…

    Ako, wala akong anak na lalaki, ang mga anak ko eh babae but I tell them na sana once mag-asawa sila ideally they are on their own and hopefully mag-asawa sila na dapat sila mismo ay self-sufficient. Tapos ng pag-aaral, may trabaho, at kayang kumita ng sarili nilang pera. Napakahirap ng asawang babae na asa lang sa asawa niya. Kahit anong klaseng buhay ibigay sa’yo niyan wala kang magagawa. And I am talking based on experience here. Ang hirap ng walang sariling pera. You’re lucky if you get someone who can really provide well, pero syempre mahihiya ka na sa budget na ibinibigay sa’yo eh dun ka pa kukuha ng pambili kahit lipstick mo. Nakakahiya naman lalo kung sapat lang, ‘di ba?

    Yes, aalalay ako at mag-aalaga ako ng mga apo ko pero mangingialam lang ako pag-inapi anak ko. Lalo pa siguro kung lalaki. Mas mahirap makialam kasi once mag-asawa na mga ‘yan, we have to admit priority na nila dapat ang asawa at pamilya nila. And mga nanay, dapat alam kung san na sila lulugar. Turuan niyo na lang ang mga anak niyong lalaki na pumili ng babaeng matino at naayon sa standard niyo pero at the end of the day, sila pa rin pipili ng magiging asawa nila.

    I don’t know how you’ll tell your husband but as early as now, sabihin mo na kung ano ang nasa loob mo, na gusto mo kayo lang na gusto mo bumukod kayo. Because that is what is right. Tulungan mo siya kung kaya mo pero kung hindi at wala kang magagawa, makisama ka dahil pinili mong buhay ‘yan. Isipin mo na lang kahit papano magdecide ka man magtrabaho andyan ang mother in-law mo na pwedeng umalalay sa pag-alaga sa anak mo kasi I’m sure kukuha ka ng yaya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.