CHLOE'S INBOX
I Chose Me
April 20, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Gusto lang po magthank you sa mga payo ninyo. Noong 2015, po unang narinig ang payo ninyo. Noong year po na nagsimula ang depression ko. Mabuti na lang po, dahil sa mga payo ninyo sa mga listeners, ‘di po naging grabe ang depression ko. Sabi ko sa sarili ko, ‘di pala ako nag-iisa. Marami palang katulad ko. Husband and in-laws ang problem ko. ‘Di ko na po ikukuwento kasi marami po akong friends na listeners din ninyo. Para po sa akin, God-given po kayo. Sa tuwina na husband and in-laws problem po ang letter sender, nakakarelate po ako. Sa ngayon po, ganoon pa rin po ang buhay ko. Pero kaya ko na po ang problem. Sana po nandiyan kayo palagi para magbigay sa amin nang mga payo. God bless po, Dj Chloe. More power. Tawagin ninyo na lang po akong “Mommy”. 62 years old na po ako.
Hi Mommy! At 62 po, naaapketuhan pa kayo ng in-laws niyo?
Anyways, I’m glad na nakatulong po ako sa inyo, ‘wag niyo na lang pong masyadong pansinin ang in-laws niyo. Hanap na lang po kayo ng ibang pagkakaabalahan, natiiis niyo na ng mahabang panahon, dapat nga po ‘di na kayo natitinag niyan.


-
COMMENTS














