CHLOE'S INBOX
“I found another girl who can me what I want”
November 13, 2018
-


Hi DJ Chloe,
I always tune in to your station every time na magla-lunch na ako, lagi kasi akong lunch out. Here is my story. Lagi ko siya nakakasabay maglunch and lagi din siya mag-isa, meron akong asawa pero ‘di na ako happy sa pagsasama namin kasi ‘di ko makuha ‘yung gusto ko sa kanya or yung obligasyon niya sa akin bilang asawa. Every time na need ko madalas siyang natanggi, ‘di naman sa pagyayabang magaling naman ako sa bed. Hanggang sa kinilala ko na ‘yung babae na madalas ko makasabay maglunch sa isang gas station, one time nagpakilala ako during our lunch at okay naman sa kanya. Second lunch out namin, niyaya ko na siya ihatid ng uwian niya na uwian ko na din. Hanggang sa merong nangyari sa amin. Pag-uwi namin, nag-enjoy ako sa kanya at siya din. Hanggang sa naulit pa ulit, paano gagawin ko na ‘di na mabigay ng wife ko ‘yung pangangailangan ko na nahihirapin na din ako sa kakatanggi niya. Please help me. Thanks. Call me Sad Hubby.Hi Sad Hubby,
Ilang taon na ba kayong mag-asawa? Baka naman may medical condition si wife kaya mababa ang libido? O ‘di naman stress sa’yo? Hahaha, joke! Seriously, did you ever try talking to her and tried finding out why? Baka lang talaga low libido, maraming reasons for that. Medical, minsan naman baka may problema sa pera, maraming isipin, mga babae ganun eh, damining iniisip. Baka pagod sa trabaho or pag-aalaga ng mga anak niyo. But for whatever reasons, ‘di naman siguro sapat na dahilan para humanap ka na sa iba. Subukan mong kausapin ang asawa mo at alamin ano at saan ang problema. Problema nito naghanap ka na rin ng problema, ‘pag ‘yang isang babae mabuntis mo o kaya’y kumapit na sa’yo, problema mo na din ‘yan. Dalawa na problema mo. Asawa mo at si ate girl. Kung kaya mong iwasan na ‘yan at maghanap ng ibang makakainan pag lunch, gawin mo na. Ano kaya kung magbaon ka na lang? Baka naman pwede kang ipagbalot ni misis? Sakit mo sa bangs. Kaya kayo, mga misis pagbaunin niyo na lang mga asawa niyo, mahirap ang kumakain sa labas ng lunch palagi, umabot na hanggang dinner…haaay!
-
COMMENTS















