I want to prove that he's the father of my child
X

CHLOE'S INBOX

I want to prove that he’s the father of my child

September 20, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---I-WANT-TO-PROVE-THAT-HE'S-THE-FATHER-OF-MY-CHILD

     

    Hi DJ Chloe,

    Nakasend na po pala ako ng letter last year and I’m back again at gusto ko lang po magshare ulit para makahingi ulit ng payo niyo. By the way, I’m Miss J, single mother of two (2) year-old son. Recall ko lang po konti ‘yung story ko. Mula nu’ng nabuntis po ako ‘til naisilang ko ‘yung baby ko hindi na po kami inalala ng father ng baby ko at ako po sumalo ng obligasyon niya. Naging nanay at tatay ako ng anak ko. But this last week nagchat po sa’kin. Kinamusta niya po ‘yung baby ko. Then gusto niya makipag-usap through messenger at humihingi siya ng pic ng bata kasi araw-araw daw siya pinapagalitan ng kuya niya na pibayaan niya daw kami kasi nu’ng nabuntis ako ‘yung kuya niya ang unang nakaalam at wala din po nagawa ‘yung kuya niya. Siguro ngayon pinapakonsensya siya ng kuya niya at sinabi pa daw ng kuya niya kung duda siya ipa-DNA test daw ‘yung bata at payag naman po ako dun kasi sure naman po ako na siya talaga ang ama. Tapos gusto niya daw makita sa personal ‘yung bata at okay naman sa’kin. ‘Yung tanong ko lang po kung mapatunayan niya na siya talaga ang ama ano po ang pwede kong gawin at anong proseso para sa financial kasi karapatan po niya ‘yun at para na rin sa baby ko. I hope na mabasa niyo po ito at mapayuhan niyo po ako. Thank you so much, DJ Chloe. God bless you.

    Hi Miss J,

    if need ng DNA, then pa-DNA. May cost ‘yan, sino magbabayad? Siya o ikaw? It’s a bit expensive, panggastos na ng bata ‘yan pero kung kailangan then do it.

    Another is once proven na siya nga, believe me HINDI MO ‘YAN MAOOBLIGANG MAGSUPORTA.

    The only way maoobliga ‘yan is if you bring it to the court. I am saying this in the context na sinabihan mo na na siya ang ama, proven na, pinakiusapan mo na kailangan ng bata ng suporta na kung tutuusin ‘di mo dapat pakiusapan; at ginawa mo na lahat pero ayaw pa rin magbigay then bring it to court. RA 9262, find a lawyer, paexplain ka kung ano ang p’wede mong gawin at ano ang karapatan ng anak mo.

    Mahabang proseso din ito pero kung gagawin mo, tiyak na maoobliga ‘yan, at maari din makulong sakaling mapatunayan na nagpabaya sa obligasyon at hindi sinusunod ang napagkasunduan sa korte.

    Eto oh, nasa RA 9262 ito:

    “Depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman’s children insufficient financial support”

    It is a crime punishable by Law. Salamat sa mga kaibigan kong abogado, nalaman ko ‘to.

    Bihira kasi ang nadadala sa maayos na pakiusapan eh. Kaya nga nagkaroon ng batas. Maraming babae lang ang pinipiling manahimik na lang, which should not be the case.

    Just be sure na ready ka once you file a complaint kasi mahabang proseso siya. ‘Yun lang.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.