CHLOE'S INBOX
If The Feelings Are Mutual, The Effort Will Be Equal
April 26, 2016
-


Hi DJ Chloe!
Just call me Nag. I was planning to send you message last month pa kaso nahihiya ako kaya nakikinig na lang ako palagi kasi baka may kapareho naman ako na story pero iba pa rin pala. Mas gusto ko directly for me yung advice mo.
Certified NBSB ako before I met this guy sa province nila (12hrs land travel from Manila), pumunta ako sa place nila because of my job. 1 week ako doon, nakita ko siya (cousin siya ng isa sa mga barangay officials), hiningi niya number ko, tinext niya ako pero hindi ko siya nirereplyan nung umpisa. Kasi sanay na ako sa mga ganong lalaki. Since palipat lipat ako ng province, maraming lalaki na basta may bagong babae sa paningin nila, gusto na kaagad nila. Kaya inignore ko si guy, hanggang sa lumipat na ako ng province, mas lalo siyang naging persistent sa pag-tetext. Until nireplyan ko na sya. Dun ko nalaman na masaya siyang kausap, may substance, at very funny. Dumating sa point na everyday na kaming mag-kausap, tumatawag na siya palagi, yung tipong sa kaniya napupunta lahat ng free time ko. Niligawan niya ako, at dahil napamahal na siya sakin, sinagot ko siya after 1 month, lahat ng yon ay thru texts and calls lang. Okay naman kami nung umpisa kahit LDR kami. Kaso I became so insecure and jealous these past few months. Sabi ng mga friends ko, praning lang daw ako, kinukwestyon ko kasi siya kung bakit siya palaging online sa messenger, sa viber tapos di naman siya makatext sa akin. Tuwing gabi lang kami nag-uusap ngayon. I have this gut feeling kasi na may iba na siya. At ang isa ko pang kinakatampo sa kanya ay mag-7 months na dapat kami ay hindi man lang siya nag-eeffort na puntahan ako dito sa Manila. Gusto niya pa, kung pupunta siya dito ay ako ang mag-bibigay ng pamasahe niya. Hindi ako pumayag, sabi niya mag-iipon daw sya. Kaso ang tagal ko ng nag-hihintay, napagod na ako kaya nakipagbreak ako sa kanya 2 weeks ago. Ayaw niya, nagagalit siya, tumatawag pa rin siya at nag-usap pa rin kami for 1 week. Pero when I analyzed things, parang wala namang pupuntahan ang relasyon namin, paulit ulit na lang. So, I decided na itigil na talaga ang communicatiin namin, pero ayaw na naman niya, sabi niya pupunta siya dito kung yun ang gusto ko basta wag lang daw kaming maghiwalay kaso noong tinanong ko kung kelan, ang sagot niya ay siya na daw bahala. Ayoko ng ganong sagot. Gusto ko yung solid answer kaya sabi ko sa kanya wag na lang. Sinabihan ko siya na wag ng tatawag. Na-offend ata siya kasi alam niya na gusto ko palaging tinatawagan niya ko. Ayun, sabi niya na hindi na raw sya tatawag kahit kelan. 1 week na kaming hindi nag-uusap. Namimiss ko siya DJ Chloe. Did I push him away? Naging masiyado ba akong demanding? Kailangan bang ako ang maunang makipag-usap sa kanya? Nasaktan ko kaya siya?Ang dami kong tanong. Sorry DJ Chloe, sana matulungan mo ako. Thank you so much!
Nag
Hi Ms. Nag!
7 months and he never made an effort kahit mag overnight sa Manila just to see you? Unless ikaw ang mag-bibigay ng pamasahe? Hay… Ano bang mga lalaki ito ngayon. Jusmio per don! Pamasahe mo na, pa-Jollibee mo pa? Ayoko na mag-elaborate utang na loob! Tantanan mo na yan walang kwenta yan! Papaputol ko daliri ko kapag ikaw pa ang nag-papadala ng load diyan! Hay jusmio! You pushed him away? Push him away for good!
Sincerely,
-
COMMENTS














