CHLOE'S INBOX
I’m Longing For My Partner’s Attention
May 9, 2017
-


Hi, DJ Chloe!
Gusto ko lang po humingi ng advice. Please hide my identity po, just call me Ms. A. I’m four months pregnant na po, DJ. And may ka-live in po ako and we’re together for four years na po. Magpapakasal na po dapat kami nu’ng 2014 pero hindi po natuloy kasi that year din po namatay ‘yung first baby po namin and naubos din po ‘yung naipon namin kasi two months po nasa hospital baby namin bago po siya namatay. Pero tuloy pa din po ang buhay after what happened. And now, DJ, I’m pregnant again and I’m praying deeply na sana maging okay na po ang pagbubuntis kong ito. But my problem, DJ Chloe is about my husband. Sa totoo lang po hindi ko alam if demanding lang ba talaga ako o dahil sa pagbubuntis ko kaya ganito po ang mood ko. Gusto ko po kasi ‘yung palagi po akong nilalambing ng asawa ko. ‘Yung palagi po akong binibigyan ng atensyon, hinahanap ko din po ‘yung dati na maalga siya sa’kin.
Ngayon po kasi sobrang nakaadikan niya ung mga mobile games. Pagdating niya po ng bahay laro agad inaatupag niya. Pag-off naman niya ganun din po maghapon siyang nakatutok sa cellphone niya. Hindi na nga po kami nkakapagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay kasi minsan nakakatulugan ko na lang siya kasi busy siya sa kakalaro niya. Minsan kailangan ko pa magalit para lang pansinin niya ako. Ilang beses na din po ako nag-open sa kanya about sa feelings ko pero wala pa din. Aamuin niya ako sandali ‘pagnawala na galit ko babalik na naman siya sa paglalaro. Hindi na din po kami nakakalabas, DJ Chloe kasi mas gusto niya sa bahay maghapon pag-off niya at naglalaro. Kaya parang ako po nawawalan na ng gana sa relasyon namin. Wala naman po akong problema sa kanya sa ibang bagay kasi hindi naman po ‘yun babaero, masipag naman po siya magtrabaho. Hindi din po siya mabarkada at responsable naman po siya, ‘yun lang po masyado po siya naadik sa paglalaro. Ano po ba dapat kong gawin? Hahayaan ko na lang po ba siya at intindhin na lang?
Ms. A,
Well if you guys really want to get married, you don’t need a grand wedding.
All you need is for your union to be blessed and make it official . Besides, sa panahon ngayon, it’s very impractical na to spend for a “wedding”. Maybe a simple intimate wedding will do. It’s the marriage you actually have to be prepared of.
Kasi magkaiba ‘yun at ‘yan na na-experience mo.
When you marry/love a person, you will discover things that will either shock the hell out of you or drive you to your wits end. :)
Online games ang problema mo. Don’t get tired talking to him about it, pray na lang na sana eh magsawa din siya. At least, ‘pagnanganak ka, gising siya para tulungan ka sa baby, hayaan mo maglaro ng mag laro, hahahaha.
But on a serious note, you can either keep talking to him about it or crash his phone. :)
You’re pregnant, don’t stress yourself that much, it will surely affect the baby.
-
COMMENTS















