CHLOE'S INBOX
It Takes A Strong Heart And A Smart Head To Let Go
May 25, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Avid fan niyo po ako. Hihingi lang po sana ako ng advice. Please hide my identity po. You can call me Tam. May baby po ako two years old. ‘Yung tatay po ng anak ko ‘di kami nagsasama kasi po lagi na lang lang kaming nag-aaway dahil sa mga babae. Last January po official na hiwalay na kmi. Then nagkaroon po siya ng girlfriend. Hindi po ako nanghihingi sa kanya ng sustento para sa anak ko tapos po ngayong naghiwalay sila ng babae parati niya na kaming kinokontak ulit. Gusto niyang makipagbalikan kasi mahal niya raw ako pero hindi po ako pumapayag kasi po every time po na sina-stalk ko ang Facebook niya at phone niya puro babae lang kausap niya. At ngayon po madalang na lang ulit kami mag-usap baka may ibang pinagkakaabalahan na naman. Tama po bang itigil ko na ang communication ko sa kanya para ‘di na ‘ko umasa?
Hi Tam!
Oh, yes! That’s the best thing you can do. Tigilan na siya, ‘wag lang comminucation sa kanya ang tigilan mo. Literal na tigilan mo na siya. You can still allow him to be the father of your child, why not? Pero stop being his doormat.
Tell him to go and get all the women he can get just leave you alone.
Be a mother, be successful working, be financially stable and find the man who will love you truly and accept you for all that you are and will only have eyes for you. You will get to him, to the right man, if you stop wasting your life and breath with the wrong man.


-
COMMENTS














